Yohan's POV
Kasama ko si Yasser dito sa bahay, sinundo ko siya kanina sa Bar. At ngayon nilalagnat.
Simabi ko nadin sa kanya yung tungkol sa Concert na gaganapin sa school, at choosy siya ngayon. kaya pipilitin ko pa mamaya.
Kakamadali ko kahapon,nakalimutan ko bigla si Ayesha, kaya naman pinasundo ko nalang siya kay Ken. Hanggang ngayon nga hindi pa tumatawag o nagtetext yun si Ken eh, naku! Bugbog sakin yun kapag hinawakan niya si Ayesha!
Katulad nga ng sinabi ko nga sa inyo malapit sa tukso si Yass. Konting dikit lang sa kanya ng babae nilalagnat na. At ngayon para siyang timang dahil sa itsura niya. Pinupunasan siya ngayon ni Mommy.
"Ano bang nangyari sayo anak? Bakit bigla ka nalang nilagnat?" sabi ni mommy.
"Haynako mommy, masyado kasing nagpapatukso yan si Yass sa mga babae eh!" sabi ko.
"Totoo ba yun anak?" sabi ni Mommy.
"Adik ka kuya! Hindi totoo yun mom.." paawa effect ni Yass kay mom.
"Oh bakit totoo naman ah? Naalala mo nung highschool tayo? Kiniss ka lang nung babae sa pisnge nilagnat ka na, siguro ngayon may humalik na naman sayo no? O baka naman ikaw ang humalik sa kanya?" sabi ko.
"Hoy Kuya! Tumigil ka nga!" sabi niya.
Tumawa nalang ako. Eh sa nakakatawa talaga eh. Ngayon alam niyo na kung bakit ayaw niya sa babae? HAHAHA!
*KRIIIIIIIIIING*
"Mom si kuya may chicks na naman!" sigaw ni yass.
*POK*
"Aray naman mommy eh! bakit ka ba namamaltok diyan!" sabi ni yass.
"Matanda na ang kuya mo! hayaan mo siya kung mag kagirlfriend na siya! Humiga ka nga ng maayos ng gumaling ka na!" sabi ni mommy.
"Excuse me lang mom!" sabi ko at sinagot na yung phone. pumunta ako sa labas dahil tumatawag na si Ken.
"Nasaan na si Ayesha?" sabi ko sa kabilang linya.
[ Kasama ko siya ngayon pare, hawak ko ang kamay niya habang nakasandal siya sa balikat ko tapos ngayon hahalik--- ]
"Gagyou! Gusto mo pa bang mabuhay?" sabi ko.
[ HAHA! Joke lang pare, pauwi na ko sa bahay ]
"ANO? Pauwi ka na? Nasaan si Ayesha? Nahatid mo na ba siya sa kanila?"
[ Hindi, pagdating ko kasi dun nandun mga kaibigan niya and nga pala may pinapasabi ni Kim sayo ]
BINABASA MO ANG
A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)
Teen Fiction(UNDER MAJOR REVISION) Playgirls are for Playboys will be A Playgirls Tale. I decided to change the title of the story because when I back read everything I saw some flaws and I think I need to change it. So for now, this will be under revision. I w...