18: BFF's

375 6 0
                                    

Ayesha's POV

Umaga..

Dahil ayokong malate, inagahan ko talaga ang pasok ko. Wala akong kasabay pumasok yung kotse ko lang.

Lakad

Lakad

Lakad

Lakad

Lakad

"AWW! ANO BA!" sigaw ko. may nakabunggo kasi sakin e, natumba tuloy ako.

"Sorry Miss.." sabi niya, tumunghay naman ako kung sino siya. and guess who?

"Ikaw na naman?" sabi ko.

"Sorry talaga miss..di kita napansin.." sabi niya tapos nagbow pa.

Peeew! ayokong mastress sa school kaya hahayaan ko nalang ulit. stress na nga ako sa bahay e, pati ba naman dito diba?

"Okay lang sige.." sabi ko tapos tumayo nalang.

umalis naman agad siya pagkasabi kong okay na.

"Nicole!" lumingon naman ako kung sino tumawag sakin.

"Oh! Alexa!" sigaw ko, tumakbo naman siya palapit sakin.

"Anong nangyare sayo? umagang umaga para kang pagod na pagod.. yung mata mo namamaga, umiyak ka ba?" sunod sunod na sabi niya.

"Wala..okay lang ako, ano ba yun?" sabi ko, alam ko kasi may sasabihin  siya eh.

"Eh kasi nicole, tignan mo to oh.." tinapat naman niya sa mukha ko yung daliri niya.

"Oh? anong gagawin ko sa daliri mo?" sabi ko.

"Ano ka ba nicole! hindi mo ba nakita tong sing sing na to?" kinuha ko naman yung kamay niya tapos nakita ko ngang may singsing.

"Bagong bili mo? ganda ah.." sabi ko. tumaas naman yung kilay niya. problema nito?

"What? sinabi ko na ngang maganda eh.." sabi ko.

"Do you really think na binili ko to?" sabi niya.

"Bakit? wag mong sabihin na ninakaw mo yan? My God Alexa! AWW!" sabi ko, bigla niya kong binatukan.

"Hoy! bakit mo ginawa yun? master mo padin ako..!" bulong ko.

"Eh kasi naman, hindi ba halatang engagement ring to?" sabi niya.

A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon