29 BABE

244 0 0
                                    

Ayesha's POV

On my way na ko papunta sa school, maganda ang mood ko dahil okay na kami ni daddy kahapon.

May sasabihin pala ako sa mga kaibigan ko mamaya kapag nakita ko sila, kelangan ko kasing gawin yun para kay papa eh.

Marami akong narealize nung nagkaayos kami ni daddy kahapon. narealize  ko kung gaano kamiportante ang pamilya sa isang tao. narealize ko din na dapat ginagawa mo ang lahat para hindi masira ang pamilya mo. at sa sasabihin ko mamaya alam kong makakatulong yun, para sakin at para sa aming lahat.

"Nasaan na kaya yung mga yun?" sabi ko sa sarili ko. namiss ko agad sila tsaka excited na akong makausap sila.

OMG! ANG GAGWAPO NILA!

OO NGA GIRL LALO NA YUNG ISA!

SANA CLASSMATE NATIN SILA!

Narinig ko yan sa may bandang hallway. Sino ba yung mga sinasabi nila? ngayon nalang ulit naging aggressive mga girls dito sa University ah? Psh. bahala nga sila, hahanapin ko nalang sila Kim.

LAKAD

LINGON

LAKAD

LINGON

LAKAD

LINGON

LAKAD

LINGON

"Nicole!" sigaw ni Alexa. siya lang naman mahilig isigaw yung master eh. buti nalang sila sila lang nandito. ang aga ata nila?

"Bakit ang aga niyo?" sabi ko.

"Eh kase master wala namang klase.." sabi ni Jem.

"Anong wala?" sabi ko.

"pina-cancel nung principal yung klase sa buong campus, may mga bagong transferee daw.." sabi ni Kim.

Pinacancel ng daddy ni Yohan ang lahat ng klase? pero bakit?

"Bakit daw?" sabi ko.

"Master, di ka nagbabasa sa bulletin board no?" sabi ni Louie.

Oo nga, dumaan ako dun bakit hindi man lang ako nagbasa kung may announcements. Haynaku Ayesha, kahit kailan talaga.

"Hindi ko nabasa eh, ano bang meron dun sa board?" tanong ko nalang.

"Kasi nga dumating yung mga kaibigan ni Yohan galing sa Korea at dito na mag-aaral, kelangang i-cancel yung klase para maayos nung mga officers yung papers nila.." sabi ni Jam.

Ganun sila kaImportante para i-cancel nung principal yung class?

"Psh!"

"Oh master? bakit parang nabadtrip ka diyan?" sabi ni Louie.

"Favorite subject ko pa naman yung klase natin ngayon tapos wala palang pasok. badtrip!" sabi ko.

"Dapat kasi kinausap mo si Yohan babe mo, para sinabi mo sana sa kanya na dapat may pasok nala-AWWW! Makabato naman ng notebook master eh!" sabi ni Alexa. binato ko ng notebook. Yohan babe pang nalalaman eh.

"Hoy Alexa! hindi porket engaged ka na, ginaganyan ganyan mo na ko ha? Tandaan mo ako padin ang master mo.." sabi ko.

"Nagjojoke lang naman master eh, pero bagay talaga yung babe eh.." sabi niya.

"Ewan sayo!" sabi ko.

"Nicole.." seryosong tawag sakin ni Kim.

"Hmm?" sabi ko.

"Nakita mo na mga kaibigan ni Yohan?" tanong niya.

"Hindi pa..pati nga siya hindi ko pa nakikita hanggang ngayon.." sabi ko, eh kasi naman classmate ko padin siya. tsaka two days ko siyang hindi nakita. hindi din siya nagtetext.

"Wag mong sabihin LQ kayo ng babe mo?" asar ni Alexa.

"Isa nalang Alexa ha! Isang babe mo pa itatapon ko yang sing sing mo!" sabi ko pero syempre joke lang yun.

"Grabe! wag naman, mamaya kasi makikilala niyo na siya.." sabi ni Alexa.

"TALAGA??" sabay sabay naming sigaw.

"HAHAHA. oo nga.. papunta na yun mamaya dito.." sabi niya.

"Wow! ayos yan, magpapaganda ako para maagaw ko siya sayo balita ko kasi gwapo eh ^_^" sabi ni Jem.

"Sorry ka Jem, nakatali na siya sakin.." sabi ni Alexa.

"Hindi pa kayo kasal!" sabi ni Kim.

"Kim naman eh!" sabi ni Alexa.

"HAHA, oo nga engaged palang kayo.. pwede pa kayong maghiwalay.." sabi ni Louie.

"Isa ka pa Louie eh!" sabi ni alexa na parang maiiyak na.

"Oh! itigil niyo na yan.. baka umiyak si Alexa at bugbugin tayo ng Ivan Babe niya.." sabi ko.

"Isa ka pa master eh! nakakainis kayo.." sabi ni Alexa.

"GROUP HUG mga BABE!" sigaw ni Jam.

"GROUP HUG!!" sigaw namin tapos niyakap si Alexa. haha

Paano ko sasabihin na bubuwagin ko na ang grupo kung ganito ako kasaya kapag kasama sila? Ang hirap naman oh..

---

Vote & Comment. Yung mga ibang Characters sa susunod nalang ha? HAHA. May apat na characters pa ang hindi niyo nakikilala.

A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon