(A/N: Last 5 to 6 chapters I think? Basta. May book 2 naman eh ^_^ Yun lang po.)
Akihiro's POV
Its been 3 weeks. Kahit papaano medyo okay na ang pamilya ko. Okay na si mommy sa kondisyon niya, kelangan nalang daw ng konting ingat sabi ng doctor. Si Nadine naman bumalik na sa pag-aaral niya. si Daddy naman still working sa kompanya. at si Ayesha? 3 weeks na siyang hindi umuuwi dito sa bahay. pero alam ko naman kung nasaan siya eh.
Pinabantayan ko siya sa bestfriend niya. si kim.
Sabi ko kay Kim, siya na muna ang bahala sa kapatid ko habang hindi pa siya nakakarecover sa mga nangyari.
si Nadine, hindi niya padin alam ang tungkol sa totoong mommy niya. Gusto kasi namin si Ayesha mismo ang magsabi sa kanya. para narin makapagusap sila ng maayos.
"Nathan!" nilingon ko agad si Tita, mommy ni Andrea.
Oo, andito kasi ako ngayon sa bahay nila Andrea. Dumalaw lang ako dahil, Death anniversary ni Andrea ngayon.
"Tita! kamusta na po?" sabi ko.
"Naku iho, okay naman kami dtio.. grabe mas gumwapo ka ngayon ah?" sabi ni tita.
"Hindi naman po tita, kayo nga po batang bata padin po kayo.." sabi ko.
"Ha-ha, tara na nga kumain na muna tayo.." sabi niya.
"Sige po tita.." sabi ko at sumunod na sa kusina.
Pagkadating ko dun, kumpleto ang pamilya. si Andrea lang talaga ang wala. Masaya ang pamilya nila Andrea kumpara sa pamilya na meron ako. Atleast dito simple lang ang buhay. Sama-sama palagi.
"So Nathan, may girlfriend ka na ba ngayon?" sabi ni tito. Daddy ni Andrea.
"Sa katunayan po, wala pa po." sabi ko.
"Huh? sa gwapo mong yan kuya, wala ka pang girlfriend?" sabi naman nung bunsong kapatid ni Andrea.
"Ah eh, wala kasi akong time." sabi ko. pero sa totoo lang, hanggang ngayon si Andrea padin ang nasa puso ko. Hanggang ngayon siya padin ang sinisigaw ng puso ko.
Hindi ko man lang siya napakilala sa pamilya ko. Hindi ko man lang napakilala ang babaeng mahal ko.
After naming kumain, nagpaalam na ko sa kanila. Sabi ko dadalawin ko lang si Andrea sa puntod niya.
"Mag-ingat ka iho.." sabi ni tita.
"Kayo din po, sige po mauuna na po ako.." sabi ko at nagpaalam na.
Pero nagulat ako nung biglang may humila sa damit ko. Tinignan ko kung sino yun at nakita ko ang bunsong kapatid ni Andrea.
BINABASA MO ANG
A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)
Fiksi Remaja(UNDER MAJOR REVISION) Playgirls are for Playboys will be A Playgirls Tale. I decided to change the title of the story because when I back read everything I saw some flaws and I think I need to change it. So for now, this will be under revision. I w...