28 The Smart Guy (Kit's POV)

216 0 0
                                    

Kit's POV

Hello, I'm Kit Anderson Ignacio, Half Korean Half Filipino.

Sabi ni Author magpakilala daw ako kaya nagpapakilala ako. I used to be the third hand of Yohan Sebastian, If you know him.

Yeah, I'm a gangster before, now, and forever. I just got home from Korea. Pumunta ako dun para asikasuhin ang mga bagay bagay. kaya naman nung nalaman ko kay Master na buo na ulit yung grupo. tinapos ko lahat ng business ko sa korea at umuwe agad dito.

Kanina from airport dumiretso muna ako sa Mall, pampalipas oras lang. bumili din ako ng mga bagong libro na babasahin. tapos ko na kasi basahin yung mga librong binabasa ko sa korea e. kaya bumili na ko ng bago.

Dumaan din ako sa isang Boutique kanina, napansin ko kasi na bukas pa yun kahit gabing gabi na. at nung nakita kong babae pa yung bantay mas namangha ako. actually she's cute.

"Miss magkano to?" tanong ko dun sa babae.

"550 po sir.." ang galang naman niya masyado. nakakatuwa.

"ah sige kukunin ko na yan.." sabi ko.

"Sige po sir.." nakatingin lang ako sa kanya habang pinapunch niya yung prize.

"Eto na po sir, thank you for shopping.." nakangiting sabi niya sabay abot nung binili ko.

"Thank you..ikaw lang mag-isa dito?" sabi ko. syempre babae kasi siya, tsaka gabi na.

Sa panahon ngayon konti nalang ang mga may respeto sa babae. isama mo na ko dun, kahit gangster ako I never hurt a girl. Kasi kapag ginawa ko yun parang sinaktan ko na din yung mom ko.

"Ah opo sir, nasa kabilang branch po kasi yung kapatid ko.." sabi niya. ah may kapatid pala siya. edi dalawa silang maganda. ^_^

"Ah ganun ba? napansin ko kasi na nagsasara na yung ibang boutique, yung sayo nalang ang open na open.." sabi ko.

matagal siya bago nakasagot, napansin kong nakatingin siya sakin. parang inoobserbahan ako.

"Ah, 11pm po kasi ako nagsasara sir.." sabi niya.

"Ganun ba? mag-iingat ka, babae ka pa naman.." sabi ko.

"Sige po sir, thank you po.." sabi niya.

"Sige.."  sabi ko sabay labas na ng boutique, yung tingin kasi nung babae parang iba na eh. ewan ko pero parang mabait naman siya.

Lumabas na ko ng mall, then tinawagan na si Mark, sa kanila muna kasi ako matutulog ngayon. tinatamad pa ko umuwi sa bahay eh. tsaka may pasok na kami bukas.

Habang naghihintay ako sa waiting shed. napansin kong may babaeng nakatayo sa harapan ko. tinignan ko yung mukha niya. siya yung babae sa boutique ah? ang bilis naman niyang makalabas ng mall? tumayo ako tapos lumapit sa kanya. siguro naman matatandaan niya ko.

"Excuse me miss.." sabi ko. buti naman at lumingon siya, at sigurado akong siya nga yung nasa boutique kanina.

"Sabi na nga ikaw yan eh!" sabi ko.

"Ano pong ako?" sabi niya. di niya ko matandaan? imposible.

"Ikaw yung babae sa boutique diba?" sabi ko.

"Ah pasensya na po sir, pero hindi ko po matandaan na pumunta kayo sa boutique ko.." sabi niya. seryoso ba siya? eh kanina lang yun ah?

"Ganun ba? okay lang yun.. ako nga pala si Kit Ignacio.. ikaw si?" sabi ko tapos nilahad yung kamay ko sa kanya.

Ang cute niya talaga.

"Ah, I'm Jem.. Jemaica Lim." sabi niya.

Jem. Jemaica Lim. i won't forget that name.

"Nice meeting you again for the second time.." sabi ko, ngumiti lang siya sakin.

Bakit ganyan ang ngiti niya sakin? O_o kinilabutan ako bigla.

"Sige, mauuna na ko sayo.." sabi ko nalang, sakto naman at may kotseng tumigil sa harapan ko, pagtingin ko si Mark na pala.

Nagbow ako kay Jem. nagbow din siya, tapos sumakay na ko sa kotse ni Mark.

"Sino yun Kit?" tanong ni Mark.

"Wala ka na dun.." sabi ko.

"Psh. Fine." sabi ni Mark at hinarurot na ang kotse. ako naman? pumikit na at inaantok na ko. JetLagged -___-

ZzZzZzzZzZzzZ

---

Vote & Comment ^_^

Sino sa inyo ang nagustuhan si Kit? ^_^ Paano kapag nalaman niyang may kambal si Jem? at si Jam talaga yung una niyang nakita? Let's see ^_^

A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon