16: MAD DAD

266 6 0
                                    

Ayesha's POV

"Sige na pumasok ka na sa bahay niyo Supergirl.." sabi ni Yohan, nagalakad lang kasi kami pauwi at nagprisinta siyang ihatid ako kasi nga daw siya si Superman. Psh

"Oo na po.." sabi ko. almost 9pm nadin akong nakauwi. malayo kaya yung school sa bahay namin -__-

"Sweet dreams supergirl! magkikita pa tayo bukas!" sigaw niya tapos tumakbo na ng mabilis.

He's FAST like SUPERMAN

Pumasok na ko sa loob, dahan dahan akong pumasok ng pinto kasi alam kong tulog na silang lahat ng ganitong oras. sana talaga tulog na sila.

pagpasok ko ng pintuan, nakapatay na ang ilaw kaya sure akong tulog na sila. dahan dahan akong naglakad at nakarating na sa hagdan ng biglang bumukas yung ilaw. at nakita ko si Daddy na nakatayo sa gilid. bakit di ko siya nakita dun?

"Bakit ngayon ka lang?" sabi ni Daddy.

"Sorry po. may inasikaso lang po ako Dad.." sabi ko.

"INASIKASO? o baka naglandi ka na naman!" sigaw ni papa.

nagulat ako sa sinabi ni dad. he really taught na lumandi ako? of all the reasons yun pa?

"Honey, bakit ka ba sumisig--oh? Ayesha nandiyan ka na pala, kakauwi mo lang ba?" sabi ni mom.

"PAANO AKO HINDI SISIGAW EH YANG ANAK MO GABI NA KUNG UMUWI!" sumigaw na naman si Dad.

"Honey, hindi mo naman kelangan sumigaw.." sabi ni Mom, ako nakayuko lang.

"Anong bang ingay yan?" nakita ko si kuya na palabas ng kwarto niya.

"Kuya.." sabi ko. yung boses ko parang nagmamakaawa na tulungan niya ko.

"Dad ano naman ba to?" sabi ni kuya.

"Nathan.." sabi ni mom na parang sinasabi na tumigil na sila.

"KAKAMPIHAN MO NA NAMAN YANG KAPATID MO? ALAM MO BANG ALAS NUEBE NA NG GABI! AT NGAYON LANG SIYA UMUWI! WHAT KIND OF GIRL ANG UUWI NG GANITONG ORAS!" sigaw na naman ni Dad.

"Pumasok ka na sa kwarto mo Nicole.." sabi ni Kuya. sumunod naman ako at akmang bubuksan na yung pinto ng kwarto ng biglang nagsalita si daddy.

"Where do you think you're going?" sabi ni daddy.

"Sa room po dad.." sabi ko.

"Sa tingin mo papayag ako? Tell me! saan ka galing!" sabi ni dad.

"Nicole pumasok ka na sa kwarto mo.." sabi ni kuya.

"Answer me first!" sabi ni dad.

wala naman sigurong masama kung sasabihin ko ang totoo, humarap ako kay dad.

"Galing lang po ako sa labas dad, kaya po ako nalate ng uwi kasi naglakad lang po ako pauwi..naiwan ko po kasi yung kotse ko sa parking ng school..tsaka po kumain lang po ako sa labas kasama ang isang kaibigan.." pagpapaliwanag ko.

"Kaibigan?? o baka naman Kalandian??" sabi ni dad.

"Honey ano ba.." sabi ni mom.

That's it. puno na ko, ayoko sa lahat na naririnig sa ibang tao na malandi ako, lalo na kung galing pa sa magulang mo.

"Excuse me lang po.." sabi ko, tumahimik naman silang tatlo na parang hinihintay kung ano ang sasabihin ko.

"Alam ko pong may nagawa akong kasalanan sa inyo dad, at alam kong nawala yung tiwala niyo sakin pero sana dad kalimutan niyo na yun, kasi anak niyo parin ako.. dad ginagawa ko po ang lahat para maging mabuting anak sa inyo.. halos puno na nga po yung bahay natin ng mga awards at medals ko.. pero ano? kahit isang araw man lang sa buhay ko hindi kayo pumunta sa school para isabit at ibigay saken yun.." di ko na napigilang umiyak.

"At alam niyo ba dad? di ko akalain na sa inyo pa manggagaling yung salita na malandi ako..dad all this time nirespeto ko kayo, all this time never akong sumuway sa gusto niyo at dahil lang dun sa Isang bagay na yun, nakalimutan niyo na anak niyo ko? dad naman, kumbaga sa isang pirasong puting papel na may tuldok sa gitna.. yung tuldok nalang na yun ang nakikita niyo, pero yung malaking space na puti hindi niyo na mapansin dahil ang tanging nangingibaw diyan sa utak mo ay yung isang kasalanan na ginawa ko kesa sa mga mabubuting bagay na ginagawa ko para sa inyo.." tuloy tuloy na tumulo yung luha ko. masakit para sakin na sinasabi ko ngayon to lahat sa harapan nila. pero i need to.. kelangan nilang malaman na nahihirapan na ko.

"Dad..sana naman po kahit isang araw lang, maramdaman ko pong daddy kita at anak niyo ko.. kahit isang araw lang dad.. isang araw lang.." that ends everything, pumasok na ko sa kwarto ko at naiwan silang nakatulala sa sinabi ko.

Nakita ko naman na natutulog na si Nadine. buti nalang hindi siya nagising. atleast kahit hindi ako ganun kamahal ni dad, atleast sobrang minahal niya si Nadine.. masaya na ko dun.

"Hmm.." narinig kong sabi ni Nadine, hinaplos ko naman yung buhok niya tapos tinignan ko lang siya.

"Nadine.. alam kong hindi ganun kasweet si ate sayo.. pero tandaan mo na mahal na mahal ka naming lahat.. lalo na ni dad, mahal na mahal ka nun.. sana lumaki kang mabuting tao.." kiniss ko siya sa noo then umayos na ng higa, pero napatayo din ako kaagad kasi hindi pa pala ako nagbibihis.

bumangon ako tapos pumunta sa CR. I need a shower.

paghubad ko ng uniform ko, napansin kong parang ang laki. pagkatingin ko sa uniform.

"Hindi sakin to ah?" sabi ko. naalala ko naman na sinuot pala sakin to ni Yohan.

napangiti nalang ako, di man lang niya nakuhang kunin sakin to? psh. lokong lalaki talaga yun. kahit papaano nagenjoy naman ako kanina sa foodtrip namin kanina kahit na pinagalitan ako ni papa ngayon..

"Buti ka pa yohan, tanggap mo kung sino at ano ako.." sabi ko sa sarili ko tapos nagshower na.

After kong magshower, nagbihis na ko agad ng pangtulog. buti nalang 1 subject lang kami bukas.

makatulog na nga.

ZzZzZzZzZzZzZzZ

---

&& vote and comment &&

A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon