Yohan's POV
After kong paluhurin ang mga gangmates ko, hinatak ko si Kit papunta dito sa likod ng school para makausap ng masinsinan. siya kasi ang tinuturo nilang lahat na may pakana ng cancel thingy na yan sa buong school.
"Master, sorry na please?.." sabi ni Kit, pero hindi ko siya kinibo. hawak ko kasi ngayon yung mamahalin niyang cellphone. ewan ko ba kasi sa lalaking to, naturingan na matalino pero ang bobo mag-isip sa mga ganitong bagay.
"Gawin mo muna ang gusto kong gawin mo, at ibibigay ko na sayo tong cellphone mong bulok.." sabi ko.
"Master! hindi yan bulok ah! mas mahal pa yan sa cellphone mo.." sabi niya.
"So anong pinagmamalaki mo? na mahal tong cellphone mo? gusto mong ibato ko sa ilog?" sabi ko.
"Eh master, wala namang ilog dito eh.." sabi niya. Pilosopo to ah?
"Nagawa mo pang magbiro ha? lahat sila ikaw ang tinuturo na pasimuna na nagpacancel ng class, at ang matindi dun kay daddy ka pa nagrequest.. lupet mo brad!" sabi ko.
"Sorry na master.. di na ko uulit promise.. please na.." sabi niya.
"Magsorry ka muna sa kanya.." sabi ko.
"Kanino master?" nagtatakang tanong niya.
"Kay Ayesha.." sabi ko.
"Sino naman yun master? di ko nga kilala yun eh." sabi niya.
"Gusto mo bang makuha tong cellphone mo o hinde?" pananakot ko.
Gusto ko lang naman na magsorry siya kay ayesha eh, baka kasi nagalit na sakin yun dahil pinacancel ng daddy ko yung klase dahil lang sa mga kumag na to. at ang masama pa dun, paboritong subject ni ayesha yung nacancel.
"Master ano ba! nakikinig ka ba sakin? ang sabi ko OKAY! Magsosorry na ko sa Ayesha na sinasabi mo, makuha ko lang cellphone ko.." sabi ni Kit.
"Talaga? That's good. umupo ka muna diyan at tatawagan ko lang siya, ayusin mo buhay mo Ignacio ha!" sabi ko tapos kinuha na yung phone ko at dinial yung number ni Ayesha.
Calling Ayesha<3...
[ Thank you at tumawag ka! niligtas mo ko!]
Niligtas? nasa panganib siya?
"Ha? bakit anong nangyari sayo?" natatarantang sabi ko.
[O.A mo makareact diyan, bakit ka ba tumawag?]
woo! false alarm akala ko kung ano na eh.
"Ah, gusto lang sana kitang makausap in private.. "

BINABASA MO ANG
A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)
Teen Fiction(UNDER MAJOR REVISION) Playgirls are for Playboys will be A Playgirls Tale. I decided to change the title of the story because when I back read everything I saw some flaws and I think I need to change it. So for now, this will be under revision. I w...