LITTLE SISTER

396 7 0
                                    

LITTLE SISTER

Nagising ako dahil hindi ko nakapa si Annika sa tabi ko. Nasaan na yung batang yun?

Tabi kasi kaming matulog kagabi sa kwarto ko.

Tinignan ko sa CR baka naliligo. Pero wala, kaya naman lumabas ako ng kwarto at hinanap siya.

"Nadine?" sabi ko habang inaayos yung buhok ko.

"Madam Ayesha, sino pong hinahanap niyo? si Madam Nadine po ba? Kasama po siya ni Young Master, maaga po silang nagising dalawa eh." sabi ng driver ko.

"Ganun ba? Saan po ba nagpunta?" tanong ko.

"Sa park daw po Madam." sabi niya.

Sa park? Ano namang gagwin nung dalawang yun sa park? Ayaw ni Annika dun kasi madaming tao.

"Sige salamat Mang Tonyo. Si mom and dad?" Tanong ko.

Di ko na kasi naabutan si Dad kagabi dahil natulog na kami ni Annika ng maaga.

"Pumasok na po, kayo nalang po ang nandito sa bahay Madam." sabi ni Mang Tonyo.

"Ganun ba? Sige paki ready naman po yung kotse ko." Sabi ko.

"Sige po Madam." tapos bumaba na si Mang Tonyo at pumunta sa garahe.

Driver ko siya pero hindi ko siya pinagdadrive. Kaya nagdecide ako na gawin nalang siyang taga-alaga ng kotse ko.

***

Kakaligo ko lang at nagbihis nadin ako. Wala naman akong pupuntahan kaya magsha-shopping nalang ako.

"Madam, okay na po ang kotse niyo.." sabi ni Mang Tonyo.

"Thank you Mang Tonyo. The best ka talaga! Nga pala, kapag dumating sina Nathan at Annika sabihin mo umalis ako." sabi ko.

"Sige po Madam, mag-iingat po kayo." Binuksan naman siya ang gate tapos lumabas ako at pumasok na siya sa bahay pagkasara ng gate.

Nagdrive na ko papunta sa Mall. Mamimili lang ako ng mga damit ko, medyo luma na kasi mga damit ko eh.

Kailangan ko nang bumili ng bagong long back shirts, ripped jeans at sapatos.

Pumasok na ko sa isang boutique na puro pang Rebel type ang nakadisplay na damit.

Ang dami kong nagustuhan kaya naman binili ko lahat. Malamang maiinggit ang mga kagrupo ko nito kaya naisipan ko nadin silang bilhan.

Generous kaya ako.

"12,000 po lahat lahat." Sabi nung babae sa cashier.

"Okay, here.." binigay ko naman sa kanya yung credit card ko. Tapos may pinirmahan lang ako at umalis na sa shop.

Habang naglalakad ako papunta sa parking lot dahil uuwi na ko at ayoko naman magstay pa dito sa Mall. Boring kaya.

Nakasalubong ko si Yanna, isa sa mga nakalaban namin sa sayawan. yung matinong sayawan ha? Yung walang rayot. Infairness sobrang galing niya. Siya lang ah. Hindi yung mga kagrupo niya. Haha

"Ayesha is that you?" tanong niya na mukhang nagulat na makita ako.

"Yes, ako nga." sagot ko.

"Long time no see. Dami mong dala ah?" sabi niya.

"Oo eh. Dami ko kasing nagustuhan." Sabi ko. "Wow naman. Madami kang nagustuhan sa mga designs ko?" Sabi niya.

"Ha?" Sabi ko. Hindi ko kasi nagets eh.

"You've just bought clothes from my own shop." Sabi niya tsaka ngumiti. "Mahilig ka talaga sa boyish look noon pa man." Dagdag niya.

Oh, sa kanya pala yung shop na 'yun. Infairness magaganda.

"Your designs are great. Congratulations to your shop. Ang benta niya. Dami laging tao." Pagpuri ko.

"Thank you. Oh siya sige, I have to go. See you when I see you. Thanks again for dropping at my shop. Bye!" Sabi niya at pumasok na dun sa shop niya.

Napangiti nalang ako tsaka nagpatuloy ng paglalakad.

Yung dating palagi lang nagdodrawing sa papel ng mga damit, may sariling shop na ng mga damit.

Ako kaya? Magiging Teacher pa ba ko? Gangster na Teacher?

"Imposible." Sabi ko nagmadali ng umuwi. Baka nandun na sila Annika.
Malaman na magugustuhan niya binili kong damit for her.

***

Pagpasok ko sa bahay dala dala yung sandamakmak na paper bags ay nadatnan ko ang dalawa kong kapatid na mukhang nasa gitna ng apoy dahil sa titigan nila.

"What's happening here?" Sabi ko sa kanila kaya naman tumakbo palapit sakin si Annika.

"Why? What happened?" Tanong ko dahil nakakabother yung mahigpit niyanh yakap sakin.

Hindi siya sumagot kaya naman nabaling ang tingin ko kay Nathan. "How about you? Mind telling me what happened?" Sabi ko.

"Wala akong ginagawa ah." Inosenteng sabi niya. Inirapan ko naman siya at lumunod sa harap ni Annika.

"Are you okay?" Sabi ko habang tinatanghal ang buhok niya sa mukha.

"I'm not. That guy just push me to go to the park! I was not able to complain because he blockmailed me." Sunod sunod na sabi ni Annika. Tumayo naman ako at binigay sa kanya ang isang paper bag na dala ko. "Here. Get this and go to my room first, may kakausapin lang ako." Sabi ko sa kanya at sinunod naman niya ako.

Lumapit ako kay Nathan. "What's wrong with you? Bakit mo yun ginawa sa bata?" Sabi ko in high tone.

"Chill ka lang, okay? Dinala ko lang siya sa park para makapagbonding kami. You know? Getting to know each other?" Sabi niya pero umirap lang ako.

"She does not like going to parks. She does not like loud person. She does not like people who push her to the things she don't like. And lastly, she actually doesn't like you." Sabi ko.

"Ouch naman! Ganun na ba ko kasama para hindi niya magustuhan?" Sabi niya tsaka sumimangot.

Hayy. Ang Kuya kong gwapo pero malambot ang puso.

"Alam kong gusto mo siyang makasundo Nathan. Pero ako na ang nagsasabi sayo, mahirap makuha ang loob niya. 4 years bago ko makuha ang loob ng batang 'yan." Sabi ko.

"4 years? Bakit ang tagal naman? Tsaka teka lang ah. Kagabi ko pa tinatanong si mom about diyan sa batang 'yan ayaw niya magkwento. Sino ba talaga yan?" Sabi niya.

"To make the story short, she's an adopted child. We adopted her since she was a baby, si Mom ang nag-asikaso ng lahat kasi she want to surprise dad, wala na daw kasing mapaglaanan ng oras si Dad kapag umuuwi siya from work. Knowing na malaki na ko that time." Sabi ko.

Mukhang nagulat naman siya sa mga sinabi ko. "Wow. Obvious ngang pitong taon akong nawala. Wala akong kaalam alam sa mga bagay na 'to ah?" Sabi niya.

Bumuntong hininga lang ako. "Her name is Annika Nadine. Call her Annika. Kung gusto mo makuha loob niya, paghirapan mo. Sige na akyat muna ako sa kwarto." Sabi ko pero niyakap niya ko.

Sa sobrang higpit nabitawan ko yung mga dala kong paper bags.

"Let me do this for a minute. I miss my little sister so much." He said and tears fall from my eyes.

He really missed me. A lot. I guess.

A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon