SECRET
Balik na naman kami ng mga kaibigan ko sa pagsali sa mga battle. Marami narin kasi 'yung mga grupo na gusto kami makalaban.
Marami na rin ang nangyari sakin matapos nung nangyari sakin sa apartment. Hindi ko nadin muna pinaalam sa mga kaibigan ko yung nangyari sakin.
Tapos isa sa mga pinagtataka ko ay nag-email sakin si Shiela dahil pinapabalik ako ni Yohan sa kompanya niya. Pagkatapos niya kong paalisin dun papabalikin niya ko? Psh. Bahala siya diyan. Basta ako, nakuha ko na 'yung sweldo ko sa kanya for two weeks. Malaki na din 'yun kaya nagdecide ako na ibigay kay mommy 'yung pera.
Nagtaka nga siya kung saan galing 'yung pera na binigay ko sa kanya. Sinabi ko nalang na ipon ko 'yun galing sa mga raket ko for two weeks. Tinanggap naman niya at sinabi kong 'wag niya nalang sabihin kay Dad na binigyan ko siya ng pera.
Naalala ko na naman tuloy yung sinabi ni Nathan kagabi. Alam niya daw na gangster ako.
Hindi ko nga alam kung paano eh. Pero parang gumaan yung pakiramdam ko nung sinabi 'yun ni Nathan kagabi. At mamaya kapag nagkita kami ay kakausapin ko siya. Marami akong kailangan itanong sa kanya.
"Ang seryoso naman ng best friend ko." Tumabi sakin si Kim tsaka ako inakbayan.
Nakatambay kasi kami dito sa apartment simula pa kaninang umaga. Maaga kasi 'yung laban ng sayaw kanina. Panalo kami kaya may konting kainan dito sa apartment.
"Hindi ah. May iniisip lang." Sagot ko sa kanya. "Sus. Ano namang iniisip mo? Ang seryoso eh." Sabi niya.
Sasabihin ko ba na may nagpadala lang naman ng patay na daga sa apartment para sakin?
"Wala 'to. At tsaka bakit ka ba nandito? Ayaw mong makisali sa mga 'yun?" Sabi ko at tinuro yung tatlo na naglalaro ng sungka.
"Bakit? Ayaw mo ba ko dito?" Sabi niya. Ngumiti naman ako. "Hindi ah. Gusto ko ngang nandito ka eh." Sabi ko.
"Dapat lang!" sabay tingin ng masama sakin.
Napakasweet talaga nito eh.
"Pupunta kami sa club mamaya, sasama ka ba?" Tanong niya sakin.
May gagawin pa pala ako. "Hindi muna, mauna na kayo. Baka hindi na ako magpunta dun." Sabi ko.
"Bahala ka. Magingat ka ha." Sabi niya sabay umalis at dire-diretso sa labas.
Problema nun?
*********
So, I need to go back to the office kasi nga pinapabalik ako ni Yohan.
Pero bago pa ako makarating dun, napansin kong may sumusunod sa akin habang naglalakad ako dito sa kalsada. Hindi naman ako natatakot pero hindi ako sanay na may sumusunod sakin. Halos ayaw nga ako lapitan ng mga lalaki dito sa lugar namin e. Oo lalaki ang sumusunod sakin.
Buti nalang pag liko ko sa may kanto ay nawala na siya.
Nakarating naman ako ng buhay sa office. "Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir Yohan." Sabi nung secretary niya.
Kanina pa siya naghihintay? Eh hindi naman ako nagrereply sa mga text niya, so dapat nabore na siya at umuwi.
"Sige salamat." Tapos pumasok na ako sa opisina niya.
"Buti dumating ka pa, akala ko hindi ka na babalik." Sabi niya habang nakayuko siya sa lamesa niya.
"Bakit ba kasi? Ayoko na nga magwork dito diba?" Sabi ko.
Nagulat ako ng mabilis siyang nakalapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. "T..teka, ano bang ginagawa mo?" Sabi ko habang iniisip kung yayakapin ko ba siya pabalik o sisipain ko siya?
"Secret."
*******

BINABASA MO ANG
A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)
Genç Kurgu(UNDER MAJOR REVISION) Playgirls are for Playboys will be A Playgirls Tale. I decided to change the title of the story because when I back read everything I saw some flaws and I think I need to change it. So for now, this will be under revision. I w...