NOT A GOOD START
She's okay. Thank God!
Nawala bigla yung kaba ko nung nalaman kong okay na si Annika. Sabi ng doktor baka napagod lang siya at di na kinaya ng katawan niya kaya kusa na itong bumigay.
Sa ngayon, hinihintay nalang namin siya na magising. Sobra nang nag-aalala si mommy sa kanya. Halos hindi nito bitawan ang kamay ng bunso niyang anak.
Naalala ko tuloy yung nangyari sakin noong 14 years old ako.
FLASHBACK
"Ryan, bakit ang tagal naman niyang gumising? Diba sabi ng doktor okay na siya?" Narinig kong sabi ni mom.
"Magigising din siya. Just be patient." Sabi naman ni dad.
Agad akong nilapitan ni Mom nung napansin niyang dumilat ang mga mata ko. "Ayesha anak, buti naman at gising ka na. Hindi mo alam kung gaano mo ko pinag-alala." Sabi niya.
Si Dad naman nakita kong lumabas ng kwarto. "Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo?" Sunod sunod na tanong ni mom.
Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam ang sagot. Ano nga ba? Okay nga lang ba ko?
Nakita ko lang naman ang boyfriend ko na kasama ang teacher namin sa isang room na naghahalikan.
Hindi ko kinaya ang nakita ko kaya naman umiyak ako ng umiyak sa CR ng mga babae. Sa sobrang pag-iyak ko nga ay masuka suka pa ko. Tapos nahilo nalang ako bigla at paggising ko nandito na ko sa ospital.
Okay lang ba ako ng lagay na ganun? "Yes mom, I'm okay." Sabi ko nalang.
"Your bestfriend Kim came here to give you this." Inabot sakin ni mom yung phone. "Ikaw lang daw nakakaalam ng password niyan kaya ikaw lang makakabukas." Dagdag niya.
It was my phone. Oo nga pala, iniwan ko sa kanya phone ko.
"Mom, nagugutom po ako." Sabi ko sa kanya.
"Ganun ba? Sige anak. Lalabas lang ako sandali para bilhan ka ng paborito mong KFC! Wait lang ah?" Sabi ni mom at lumabas nadin ng kwarto.
Hindi ko na sinayang ang oras at binuksan ang phone. Tinype ko ang password at saktong may nagplay na video.
I saw Kimberly.
"Hey there pretty lady! Kamusta ka? Sana okay ka na. Nung nagpunta kasi ako diyan kanina tulog na tulog ka pa. May naaalala ka ba sa nangyari sayo? Anyway, kung wala hindi naman na importante. So, gusto ko lang sabihin na pinadampot ko na yung gago mong boyfriend tsaka yung malanding teacher naten sa Math. Alam mo na, bawal kasi 'yun sa school kaya ayun napatalsik silang dalawa. Wag mo na isipin 'yun ah? Magpagaling ka na. I love you bestfriend."
Natapos ang video at saktong dumating si Dad. Seryoso ang mukha niya habang pinagmamasdan ako.
"I trusted you so much." Pambungad niya sakin.
"Po, dad?" Sabi ko. Di ko siya magets eh.
"I never thought na magagawa mo ang bagay na 'yun Ayesha. Hindi dapat kita pinagkatiwalaan." He said again.

BINABASA MO ANG
A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)
Novela Juvenil(UNDER MAJOR REVISION) Playgirls are for Playboys will be A Playgirls Tale. I decided to change the title of the story because when I back read everything I saw some flaws and I think I need to change it. So for now, this will be under revision. I w...