38 The Serious Guy (Ginno's POV)

207 4 0
                                    

Ginno's POV

Hanggang ngayon andito padin ako sa kinatatayuan ko. Hawak ko padin yung payong ni Kim.

Saranghae Kim..

Saranghae Kim..

Saranghae Kim..

"Anak ng kulambo naman talaga!" sabi ko habang napapakamot nalang sa ulo ko.

Kanina ko pa kasi iniisip na baka yung payong na to ay galing sa boyfriend ni Kim, tapos baka mamaya masalubong ko yung boyfriend ni Kim at makita sakin tong payong at maging dahilan ng paghihiwalay nila ng boyfriend niya. Well that's a good thing for me. Atleast may chance na ko kay Kim kung mangyari man yun.

Okay. Tama na! Ang weird ko na. Ang mabuti pa umuwi nalang din ako sa bahay tutal naman hindi nadin umuulan.

Teka, Kilala niyo na ba ako? Hindi pa ata ako nagpapakilala ng maayos sa inyo no?

Ako nga pala si Kristoffer Ginno Garcia. Age doesn't matter basta college na ko. Taking up Bachelor of Science Major in Business Admin. Wala lang gusto ko lang yung course na yan, tsaka actually natake ko na talaga yung course na yan sa Korea pero dahil wala naman akong gagawin ngayon sa pilipinas mag-aaral nalang ulit ako.

Member ng SevenKnights. No Serious Girlfriend Since Birth. Pero ngayon mukhang may balak na ko magseryoso sa babae dahil kay Kim.

Matangkad, Gwapo syempre. Yun lang muna siguro baka pagkaguluhan niyo kasi ako eh.

About my Family, I have one sister. I live with my mom, and about my dad he's not around. Matagal na niya kaming iniwan ni Dad. kaya ako na yung tumatayong Ama at kuya sa pamilya ko.

"Kuyaaaaaaaaaaaaa!" lumingon ako sa paligid and pagtalikod ko bigla nalang may yumakap sakin, Tinulak ko naman siya palayo.

"Grabe ka sakin kuya! -_-" sabi niya.

"Kung makayakap ka kasi eh! Bakit ka ba nandito ha?" sabi ko.

"Sasabay ako umuwi sayo!" sabi niya.

"Diba sabi ko kapag nandito tayo sa mga public places wag kang masyadong close sakin..tsaka may kotse ka naman ah? bakit sasabay ka pa sakin?" sabi ko.

"Fine, uuwi nalang ako mag-isa." sabi niya at naglakad na palayo.

Psh! Tampo agad eh. Alam ko naman magsusumbong siya kay Mommy kapag hindi ko siya sinabay -__-

"Cynthia Abigail!" sigaw ko.

Cynthia Abigail Monteverde, my younger step sister. Anak siya ng mommy ko sa ibang lalaki, simula nung namatay yung daddy niya kinupkop na siya ng mommy ko at sa bahay na tumira. Hindi pa kami ganun kaclose. marami pa kong hindi alam sa kanya.

"What?" sabi niya.

"Sumabay ka na sakin." sabi ko, kahit ayoko kelangan eh.

"Talaga? Sige kuya tara na!" sabi niya at hinatak na ko papuntang parking lot.

***

"Kuya alam mo ba may kaibigan na ko sa school.." sabi niya.

"Tapos alam mo ba kuya ang ganda ganda niya, siya lang yung kumakausap sakin sa room.." dugtong niya.

"Kuya alam mo din ba na may kinaiinisan akong isang babae akala mo kasi kung sino siya umasta.. Teka kuya nakikinig ka ba?" sabi niya.

"Hm-mm" sagot ko.

"Good.. Nga pala kuya diba gangster ka naman? tapos kaibigan mo pa si Yohan? pwede bang patalsikin niyo yung bab---hmmm!" sabi niya.

"Pwede ba Cynthia? wag mo kong idamay sa mga gusto mong mangyari sa buhay mo! pumayag na ko na makisama sayo pero please lang, Limitations!" sabi ko.

"F-fine." sabi niya at tumahimik na sa kotse. ako naman nagdrive na.

ano naman kasing kinalaman ko sa babaeng kinaiinisan niya? Mas importante naman yung buhay ko kesa sa buhay niya.

Nakarating na kami dito sa bahay, si Cynthia dire-diretso sa kwarto niya. Ang drama -_-

"Anong nangyari dun Iho?" sabi ni mom.

"Di ko po alam. baka broken-hearted.." sabi ko.

"Ganun ba? nga pala may tumawag kanina dito sa bahay, hinahanap ka. Ken daw ang pangalan.. eh sabi ko wala ka.." sabi ni mom.

"Sige po mom, salamat po. magpahinga na po kayo.." sabi ko.

"Sige anak.. ikaw din.." sabi ni mom at umakyat nadin sa kwarto niya.

Bakit kaya tumawag si Ken? Anong kelangan nun? Ah-huh! alam ko na, baka tungkol kay Kim. Hahahahaha.

---

Vote & Comment.

A/N: Excited na ko sa #SDTGTheMovie -- Suppppppper! July 16, 2014 <3

A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon