QUESTIONS

432 7 0
                                    


Napagpasyahan kong hindi muna pumasok sa opisina ngayong araw sa natatakot ako na maulit yung nangyari kahapon samin.

Bakit niya ba kasi ako niyakap ng ganun?  Kainis eh!

"Nicole, kain na tayo ng breakfast." Sabi ni Nadine habang dahan dahang sinasara ang pinto ng kwarto ko.

Napahaba ang tulog dahil nga kagabi pa ako nakapagdecide na hindi ako papasok.

Tumayo naman ako sa kama ko at inayos yung pinaghigaan ko. Tsaka
lumabas ng kwarto, nilugay ko lang yung buhok ko tapos nagtsinelas nalang.

Nakita ko naman sila sa dining area. Sa di malamang dahilan napangiti nalang ako, masaya akong nakikita silang ganyan.

Kumpleto

"Umupo ka na Ayesha ng makakain na ang lahat." sabi ni daddy. Umupo naman agad ako.

"So, kumpleto na tayo kaya you can now pray Nadine anak.." Sabi ni mommy.

Nagdasal naman si Nadine at pagkatapos nun kumain na kami. As usual tahimik lang kaming kumain, bawal magkwentuhan.

After naming kumain, nagsalita na ko.

"Hindi muna ako papasok sa work. Masama kasi pakiramdam ko ngayon." sabi ko.

"Well, mas okay muna yan anak, para naman makapagpahinga ka muna." Napakasupportive talaga ni Mom.

Pero biglang sumabat si Daddy.

"Hindi ka papasok dahil lang masama pakiramdam mo ngayon? What a lame reason."

Nasaktan naman ako dun, hindi naman lame reason yun eh. Kung alam mo lang ang totoong nangyari saken baka matameme ka.

"Don't worry Dad, just for now. I'll make sure to go to work tomorrow." Sabi ko. Pinipilit kong kumalma dahil ayokong masira ang gabi na 'to.

"Napakahina mo talaga." Sabi ni daddy at tumayo na sa kinauupuan niya. Papasok na sana siya sa kwarto niya pero,

"Dad, magusap nga tayo? Bakit ka ganyan sakin? Ganun ba kahirap magpatawag ng anak? Ganun ba kasama ang nagawa ko para tratuhin mo ako ng ganito?" Sigaw ko.

Nagulat ang lahat sa mga sinabi ko. Tinakpan naman agad ni Kuya ang tenga ni Nadine at hinatid ito sa kwarto niya.

Bigla akong nilapitan ni Daddy at sinampal.

Napakalakas, napakasakit.

"How dare you to say that? You are the one who made the mistake. You are the one who did that thing!" Sigaw niya.

Nakahawak lang ako sa pisnge ko, pinipilit na hindi umiyak. "Ryan, please stop. Let her off." Sabi ni mom habang pinapakalma si Dad.

Bumaba naman si Kuya tsaka ako nilapitan. "Anong nangyari sa pisnge mo?" Tanong niya.

"She deserved it!" sabi ni Dad at umalis sa eksena.

Hindi ko na napigilan umiyak pagkaalis ni Daddy.

"

A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon