43 OVER REACTING

195 3 0
                                    

Yohan's POV

Andito na ko sa pinakamalapit na clinic sa LMU. Paano? Sumakay ako sa Motorbike ko.

Maya maya lang may nakita akong Limousine na pumarada sa tapat ng Clinic. and Im sure sila na yan.

Nakita kong may mga lumabas na nurse at may dala silang isang stretcher. and nanlaki yung mata ko sa nakita ko.

O_O

Si Ayesha? Si Ayesha nakahiga sa stretcher. parang kanina lang magkatext pa kami, nakausap ko pa nga siya kanina sa mini house eh.

Tumakbo ako agad at nilapitan si Ayesha. nagulat naman sila Kim nung nakita nila ako. Di ko sila pinansin bagkus tinignan ko nalang si Ayesha hanggang sa dalhin siya sa loob.

"Bakit ka nandito?" sabi ni Kim.

"Anong nangyari sa kanya? Anong nangyari kay Ayesha?" sabi ko.

"She's fine." sabi ni Kim.

"FINE? Eh bakit ganun itsura niya? bakit siya dinala sa loob? Pinagod niyo ata siya sa practice eh!" sabi ko.

"Stay calm okay?? Para kang tanga diyan eh.." sabi ni Kim.

"Ano ba kasing nangyari sa kanya? Okay lang ba siya? Sabihin niyo sakin!" sigaw ko.

"Teka Yohan, kumalma ka lang pwede ba?" sabi ni Alexa habang nakahawak sa braso ko.

Paano ako kakalma kung si Ayesha nandun sa loob at hindi ko man lang alam kung okay ba talaga siya!

"Oo nga Yohan, kalma lang.. masyado kang Over reacting.." sabi ni Louie.

"Sa tingin niyo, paano ako kakalma kung yung kaibigan niyo nandun sa loob tapos hindi ko alam kung okay ba talaga siya!" sabi ko.

*PAK*

Isang sampal ang nagpatigil sa mundo ko, at galing yun kay Kim.

"Bakit mo ko s-sinampal?" sabi ko habang nakahawak sa pisnge ko. Sila Alexa at iba naman ay halatang nagulat sa ginawa ni Kim sakin.

"Are you really out of your mind? Eh sinabi ko na nga sayong okay lang siya diba? Do you think na kakalma kami ng ganito kung hindi siya okay? Grabe lang. Kung umasta ka akala mo boyfriend ka niya.." sabi ni Kim.

That hits me.

"Nilalagnat lang si Ayesha, we bring her here para icheck siya ng doctor. Nakahiga siya sa stretcher kasi ang himbing ng tulog niya, hindi namin siya magising.. okay na?" sabi ni Kim.

Napatango nalang ako sa sinabi ni Kim. Did I really act that way? Did I really over reacted?

Bigla namang lumabas yung doctor galing sa loob nung Emergency room.

"She's fine now Ms. Han.. you can bring her home now, but make sure to give her this medicines and make sure that she get enough sleep.. stress lang siya tsaka kulang sa tulog kaya bumagsak yung system niya dahilan kung bakit siya inapoy ng lagnat.." sabi nung doctor.

Stress si Ayesha? Hanggang ngayon pinoproblema padin niya yung about sa pagku-quit niya sa gang? Kung ako nalang kaya ang magsabi sa kanila? Kaso alam kong magagalit si Ayesha sakin kapag ginawa ko yun.

"Okay na Yohan?" tumingin ako kay Kim.

"Ah. Oo okay na.." sabi ko.

"Let's go girls.." sabi ni Kim kila Alexa.

Sumunod naman ako sa kanila, and pagpasok namin sa room nakahiga lang si Ayesha sa kama and kinakalikot yung cellphone niya.

"Y-yohan?" sabi ni Ayesha.

"Yohan daw!" tinulak ako ni Kim palapit kay Ayesha.

"H-hi!" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Thanks for coming here.." sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Okay ka na ba?" sabi ko sa kanya.

"Yeah, Im fine.." nakangiting sabi niya.

"Master! tuloy ba tayo sa inyo?" sabi ni Jem.

"No! sa amin nalang. kailangan magpahinga ni Nicole dito.." sabi ni Kim.

"It's okay kim.. tuloy tayo, ayoko din naman na magstay dito.." sagot naman ni Ayesha.

"Sa tingin mo papayag ako? Just rest here. Hoy yohan! bantayan mo dito si Nicole, we're going.." sabi ni Kim.

"Ah, oo sige ako nang bahala sa kanya.." sabi ko.

"Sige na nicole, aalis na kami. magpagaling ka." sabi ni Kim.

"Opo boss kim!" sabi ni Ayesha.

"Psh!" sabi ni Kim at lumabas na ng room.

"Bye Master!" sabay sabay na sabi nung apat.

"Bye!" sabi naman ni Ayesha.

At naiwan kaming dalawa dito sa loob ng room. umayos ng pagkakahiga si Ayesha, inalalayan ko naman siya.

"Thanks.." sabi ni Ayesha.

"Tinakot mo ko.." sabi ko.

"Wae?" sabi niya.

"Akala ko kung ano ng nangyari sayo, nung nakita kita na nakahiga dun sa stretcher napatakbo agad ako sayo.." sabi ko.

"Why all of you are over reacting? I'm fine. No need to worry.. napagod lang siguro ako sa practice.." sabi niya.

Walang anu-anoy niyakap ko nalang siya. basta! sa tagal na naming magkakakilala ni Ayesha, natatakot na ko na may mangyari sa kanyang masama. natatakot na ko na masaktan siya. natatakot ako na mawala siya.

"I- I think I.. I think I like you ayesha.."

--

Pabitin effect? :) para may thrill ng konte. Mianhae ^^

Vote & Comment.

A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon