23 The Boyish Girl (Louie's POV)

304 3 0
                                    

Louie's POV

Alam niyo yung feeling na ang haba nung pinila mo para lang mabili yung Juice na gusto mo, tapos mababangga ka lang ng taong hayop sa pagkabulag at pagkabastos! alam niyo yun? Nanggigil talaga ako @#$%^&*! talaga!

Pag nakita ko talaga ulit yun, bugbog sakin yun!

Pero anyways, ako nga pala si Louisse Tan o kilala niyo bilang si Third.Ako yung nagbabalanse sa grupo. Ako din yung masasabi niyong pinakagangster sa grupo, siguro dahil sa lakad ko, sa porma ko, sa kilos ko tsaka sa pagsasalita ko. Kumbaga pinanganak akong babae pero lalaki kung tignan.

Sabi nila maganda ako, well.. thanks to my Mom.

Papunta ako ngayon sa bahay ni Kim. tutal naman at Sunday ngayon, trip ko lang na dalawin siya.

Bukod kasi sa mag-isa lang siya sa bahay niya, tinatamad din akong gumala kaya naman pupuntahan ko nalang siya.

"Kim?" sabi ko habang binubuksan na yung pintuan ng bahay niya. welcome naman kami dito eh.

"Oh Louie, ikaw pala bakit?" sabi ni Kim habang bumababa ng hagdan.

"Ah, wala naman ^_^ dumalaw lang.." sabi ko.

"Bakit? wala naman akong sakit ah?" sabi niya.

Pilosopo talaga -_-

"HAHA.tatawa na ba ko?" sabi ko.

"Tumawa ka na diba? tss. bakit ka nga nandito tsaka uso na ba yung design na ganyan sa damit? wet look?" sabi niya.

napatingin naman ako sa paborito kong damit na may pangalan ko pa sa likod. at naalala ko na naman yung lalaking yun!

"Ah eto ba? natapunan kasi ako ng juice eh." sabi ko.

"Ang clumsy mo naman, sige umupo ka muna diyan, kukuha ako ng damit para makapagpalit ka.." sabi niya tapos umakyat na ulit siya sa kwarto niya.

Umupo naman ako sa couch tapos sumandal pa ko. maya maya nakita ko na si Kim na bumababa sa hagdan tapos binato sakin yung Tshirt.

"Magpalit ka na ng damit, baka langgamin ka pa.." sabi ni Kim.

"Sige.." asbi ko.

"Hoy! ano ba!" sigaw ni Kim.

"Bakit ba?" sabi ko.

"Sa tingin mo saan ka magbibihis ha?" sabi niya.

"Dito.." sabi ko.

"Kahit kelan talaga Third ang boyish mo, dun ka sa CR magbihis!" sigaw niya.

Bakit sa CR pa? pwede namang dito nalang ah? parehas naman kaming babae. 

"Ang arte ah? oo na sa CR na.." sabi ko tapos pumunta na sa CR.

Nagbihis naman agad ako tapos lumabas na. Alam kaya ni Kim na malapit lang sa kanila ang bahay nila Yohan? nagkita na kaya sila dito sa subdivision?

Tumalon ako sa Couch mula sa likuran tapos umupo na.

"So Kim, alam mo bang nasa iisang subdivision kayo ni Yohan?" panimula ko.

"Oo.." sabi niya.

"Ah.. nagkita na kayo dito?" sabi ko.

"Hindi pa. Bakit?" sabi niya.

"Wala naman, akala ko kasi nagkita na kayo." sabi ko.

"Alam mo Louie, sa laki ng subdivision na to baka walang chance na magkasalubong kami dito.." sabi niya.

"You know what? speaking of nagkasalubong..alam mo bang may nakabunggo saking lalaki kanina? kaya nga nabasa yung damit ko ng juice eh.." sabi ko.

Naku! kapag naaalala ko talaga, kumukulo yung dugo ko eh.

"Oh? sino naman yung nakabunggo sayo ha?" sabi ni Kim.

"Di ko kilala eh, pero kinabisado ko talaga yung mukha niya kaya kapag nagkita kami ulit lagot talaga siya sakin.." sabi ko.

"Psh. hayaan mo na, alam mo naman mga lalaki ngayon, wala na silang pakialam kung sino ang nabunggo nila or kung sino yung nasakta nila, masyado nilang minamaliit ang mga babae.. tsk!" sabi ni Kim.

O_o

"Kailan ka pa naging bitter dude? kakanood yan ng mga movies eh.." sabi ko.

"Tse! nagsasabi lang ako ng totoo.." sabi niya.

"Asus.. oh siya sige, ano bang pwedeng magawa dito sa bahay niyo? naboboring ako sa bahay kaya ako nagpunta dito.." sabi ko.

"Movie marathon nalang tayo.." sabi niya.

Movie na naman -_- 

"Sige basta Horror movie ah?" sabi ko.

"Ayoko nun! gusto ko romance.." sabi niya.

Seryoso o_O Gangster ba talaga tong si Kim? ay naku bahala na nga, bahay naman niya to eh.

"Oh sige romance na kung romance.." sabi ko.

Mukhang hindi ko maeenjoy ang movie marathon na to ah? Hays -_-

---

Vote & Comment.

What can you say about Louisse Tan? Cool ba siya or what? HAHA. Parang ako kasi siya eh ^_^ nyahaha.

A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon