Akihiro's POV
Natapos na kaming kumain lahat, sabi sakin ni daddy iwan na daw muna namin sila ni nicole dun sa loob ng restaurant. sabi din ni daddy na mauna na daw kami sa mall para mag-arcade kasama si mom. susunod nalang daw sila ni Nicole.
"Kuya! magskate nalang kasi tayo sa ice skating ring..please?" sabi ni nadine. actually kanina niya pa ko kinukulit sa ice skating ring na yan.
"Ikaw lang naman marunong nun eh, paano naman kami ni mom? ikaw lang nag-enjoy ganun?" sabi ko.
ewan ko ba, alam kong 25 years old na ko pero sa tuwing kasama namin tong si nadine bumabalik ako sa pagiging teenager ko.
"Magaling kaya si Mom sa skating..diba mom?" sabi ni nadine.
"Eh naku anak, matanda na si mommy eh. tsaka kayong dalawa nalang ang magdecide niyan, dahil ako pupunta ako sa salon. magpapaspa lang ako.." sabi ni mom.
"Oh paano ba yan aling maliit? mukhang tayong dalawa lang pala ang magkakasama sa arcade.." pang-aasar ko.
"Mommy naman eh! ayokong maiwan kay kuya!" sabi ni nadine.
"Wala tayong magagawa baby, hayaan mo dadating naman si ate nicole mo dito maya maya kaya may makakasama ka na.." sabi ni mom.
actually kanina pa kami naglalakad dito sa mall. siguro papunta nadin ngayon sila daddy ngayon. kaya naman lulubusin ko na ang pang-aasar sa bunso namin. Haha
"oo nga nadine, wala na tayong magagawa kaya mag-arcade na tayo.." sabi ko.
"Ayoko kuya!" sabi niya.
"Oh siya sige na, eto na yung salon. after 2 hours dapat nandito na kayo. basta magtetext ako sayo Akihiro anak ha?" sabi ni mom.
"Okay mom! ako na bahala kay nadine.." sabi ko sabay akbay sa kanya.
Hanggang bewang ko kasi siya kaya naman kapag inakbayan ko siya parang nakasabit lang yung kamay ko sa balikat niya. tangkad nga niyang 5 years old eh.
"Aish! nakakainis naman eh!" pagdadabog ni nadine.
mukhang mag-eenjoy kami ngayong araw ah! :)
"Tara na nadine?" sabi ko.
"Ano pa ba magagawa ko? Hays -_-" sabi niya.
HAHAHAHA. Natatawa nalang ako eh, kamusta na kaya si Daddy at Nicole? sana okay na sila.
Ayesha's POV
Kasama ko si Daddy ngayon, hinihintay ko siya sa bench sa garden nitong restaurant. sila mommy nauna na sa mall. sabi ni daddy susunod nalang daw kami dun after naming mag-usap.
BINABASA MO ANG
A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)
Teen Fiction(UNDER MAJOR REVISION) Playgirls are for Playboys will be A Playgirls Tale. I decided to change the title of the story because when I back read everything I saw some flaws and I think I need to change it. So for now, this will be under revision. I w...