63 SEPARATE WAYS

193 1 0
                                    

Author's Point of view

Kinaumagahan, maagang nagising ang pamilya Reyes para magpunta sa simbahan. 'Family day' nila ngayon.

"Everyone! Let's go, malelate tayo sa misa.." sabi ni Miss Shay.

"Hintayin ko nalang kayo sa kotse honey.." sabi ni Mr Ryan at pumunta na sa labas.

Kitang kita naman ni Shay ang pagbaba ng hagdan ng anak niyang si Ayesha kasama ang apo niyang si Annika.

They both wearing the same designed dress. Pareho din sila ng ayos ng buhok. Like mother like daughter.

'napakaswerte ko' bulong niya sa isip niya.

"We're ready!" masiglang sabi ni Annika, na ikinangiti naman ni Miss Shay.

"You look so pretty.." sabi ni Shay at niyakap ang apo niya.

"Tara na po mommy.." sabi ni Ayesha.

"Mauna na kayo sa kotse, wala pa ang kuya mo eh.." sabi ni Miss Shay.

"Ah sige po, mauna na po kayo ni Annika sa kotse, ako nalang po ang maghihintay kay kuya.." sabi ni Ayesha.

"Oh sige, bilisan niyo at malelate na tayo sa misa.." sabi ni Shay at lumabas na ng bahay kasama si Annika.

Umakyat naman ng kwarto si Ayesha para sunduin ang kuya niya.

*tok tok*

"Kuya! tara na, aalis na tayo.." sabi ni Ayesha at binuksan ang pinto. nakita niya ang kuya niyang nakatingin sa isang picture frame.

Napansin niya ang lungkot sa mukha ng kuya niya habang tinitignan ang litrato sa frame.

"Kuya.. namimiss mo na naman siya no?" sabi ni Ayesha habang hinahaplos ang balikat ng kuya niya.

"Masyado bang obvious?" sabi naman ni Nathan.

Niyakap naman ni Ayesha ang kuya niya pa'back hug' yung ginawa niya.

"Alam mo kuya, kahit na hindi ko nakilala si Ate Andrea, alam ko namang mahal na mahal ka nun, siguro may purpose lang si God sa lahat ng nangyayari ngayon saten, kaya dapat maging malakas lang tayo para harapin lahat ng yun, mahaba pa ang panahon kuya, malay mo balang araw may dumating na isa pang 'Andrea', hindi man siya yung tunay na 'Andrea' malay mo mahalin ka din nun katulad ng pagmamahal sayo ni Ate Andrea.." sabi ni Ayesha.

Hinawakan naman ni Nathan ang kamay ng kapatid niya at tumayo't humarap sa kanya.

"Alam mo Ayesha, tama ka.. marahil nawala nga si Andrea sa buhay ko ngayon, pero alam kong may dadating pang iba na mamahalin din ako at syempre mamahalin ko din.. kaya ikaw, stay strong din ha? salamat dahil naiintindihan mo ko ngayon.." sabi naman ni Nathan.

A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon