Ayesha's POV
*tok tok*
Binaba ko kaagad ang call ko kay Kim, just want her to know na babalik na ko mamaya sa bahay nila. Yeah I recovered. Sapat na siguro ang 3 weeks para magisip-isip.
"Sandali lang!" sabi ko at binuksan ang pinto.
"Delivery po ma'am.." sabi niya.
"Para saken?" tanong ko.
"Opo, papirmahan nalang po dito.." sabi niya at ako naman pinirmahan ko na agad.
"Salamat po.." sabi niya.
"Sige po salamat.." sabi ko at sinarado na ang pinto.
Isang envelope.
"Ano kayang laman nito?" sabi ko at umupo sa couch.
Binuksan ko na agad baka kasi importante. Imposibleng galing kila Kim tong envelope dahil wala naman akong pinagsabihan ng address ko kahit kanino.
Pagkabukas ko ng envelope, nakakita ako ng maraming pictures.
"Si Yohan to ah?" sabi ko habang tinignan pa yung mga ibang pictures.
O_O
Nagulat ako sa mga sumunod na pictures. It's yohan with a girl, then the next picture is unexpected. Yohan is kissing a girl.
Eto ba? Eto ba ang pinagkakaabalahan ni Yohan? Kaya ba simula nung may nangyari sakin noon hindi ko man lang siya nakita? Hindi ko man lang siya nakitang dinalaw ako?
Eto ba! Napakawalang kwenta niya! Akala ko pa naman mahal niya ko, akala ko pa naman minahal niya ko. Hindi pala, pinaglaruan niya lang ako.
Akala ko, okay na lahat. pero eto pa pala. Meron pa palang dudurog sa puso ko.
Pero ayoko nang magpaapekto pa, sino ba ko para magreact ng ganito? hindi naman kami. ni wala nga kaming relasyon eh.
Marami pa kong dapat ayusin kesa pagaksayahan ng panahon ang ganitong bagay.
Kailangan ako ng anak ko, kailangan ako ng pamilya ko.
Calling Kim...
[ Oh? Papunta ka na ba dito sa bahay? Naghanda ako ng konting salo-salo para sa pagbabalik mo ah ]
"Salamat, I'm now going. Hintayin niyo nalang ako diyan.."
[ Good, we'll wait for you.. ]
"Okay. See you"
BINABASA MO ANG
A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)
Fiksi Remaja(UNDER MAJOR REVISION) Playgirls are for Playboys will be A Playgirls Tale. I decided to change the title of the story because when I back read everything I saw some flaws and I think I need to change it. So for now, this will be under revision. I w...