51 A LIE

268 1 0
                                    

( A/N: Thank you po sa patuloy na pagbabasa ng story ko na to, pinapangako ko po hindi po kayo magsisisi sa ending nito :) malapit na po kasi ^_^ )

Yohan's POV

After kong tawagan yung kuya ni Ayesha na apparently yung daddy niya ang nakausap ko. Nilihis ko bigla ang sasabihin ko, imbes na sabihin ko na naaksidente si Ayesha, sinabi ko nalang na nagcamping kami.

"Yohan, nakita mo ba yung phone ko?" tanong ni Ayesha.

Kahapon pa kami nandito sa hospital. Medyo sariwa pa kasi yung sugat niya sa mukha. Tapos hanggang ngayon masakit padin yung tiyan dahil sa mga suntok na natanggap niya nung gabing yun.

"Ah, chinarge ko dun sa charging area ng hospital.." sabi ko.

"Ganun ba? Pwede bang mahiram nalang nung phone mo?" sabi niya.

No way. baka tawagan niya daddy niya or kuya niya.

"Bakit?" sabi ko.

"Tatawagan ko lang sila Mommy. nag-aalala na yun sakin ngayon kung bakit hindi ako umuwi.." sabi niya.

"Hindi na kailangan, tinawagan ko na daddy mo.." sabi ko.

"Ha? bakit mo ginawa yun? baka akalain nung boyfriend kita. Anong sabi mo? baka may sinabi kang hindi niya nagustuhan? o kaya baka naman sinabi mo na boyfriend kita? o kaya baka si----awwww! bakit mo ba ko pinitik sa ilong!" sabi niya.

Eh kasi naman tuloy tuloy magsalita, parang nagrarap na naman siya.

"Eh kasi ang O.A mo!" sabi ko.

"Ako pa ngayon ang O.A ah?" sabi niya sabay irap.

Kung napapansin niyo walang nagrereact na kung sino sino, lahat sila wala dito. Kahapon kasi umuwi silang lahat at ako lang naiwan dito hanggang ngayong umaga.

"Nagugutom ka na ba?" sabi ko.

"Hindi." sabi niya. Tsk nagtampo na agad.

"Ayaw mo kumain?" sabi ko.

"Ayoko." maikling sagot niya.

Imbes na magtanong pa ko o magreact pa sa kanya. tumahimik nalang ako, di din naman niya ko matitiis na hindi kausapin eh.

Nagkalikot nalang ako ng cellphone ko. Katext ko si Kit, may pinapaasikaso kasi ako sa kanya.

To Kit

Oo pare, basta alamin mo kung saan siya nakatira ngayon.

From Kit

Master nagawa ko na yun, alam ko na kung saan siya nakatira. Teka bakit ba bigla ka nalang nagkaroon ka uli ng interes sa babaeng yun?

A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon