GANGSTER KA NO?

336 4 0
                                    

GANGSTER KA NO?

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung nagkita kami ni Louie sa company kung saan ako nagtatrabaho.

At hanggang ngayon, hindi pa kami ulit nagkikita. I keep on texting her pero hindi siya nagrereply. Tinatawagan ko siya pero out of reach.

Tinatanong ko naman sila Kim about kay Louie pero di din daw nila alam kung nasaan ito. Kahit sila ay hindi siya matawagan.

Nag-aalala tuloy ako.

Nalaman ko kasi kay Shiela na Ex-Boyfriend pala ni Louie 'tong Boss ko. Kaya pala parang namumukhaan ko siya nung una ko siyang makita.

Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit kailangan makausap nun ni Louie si Yohan. At bakit kailangan niya ito. Samantalang si Yohan ay ayaw siyang makausap.

Marami pa kong dapat malaman. Kaya sana magkausap na kami ni Louie. Nasa apartment na kaya siya?

Pauwi palang ako ngayon. Kaya naisipan kong dadaan muna ako sa apartment. Sobrang miss ko na ang mga members ko. Halos dalawang linggo ko na silang hindi nakakasama.

Napagpasyahan din muna namin na lumiban muna sa mga battle para narin makapagpokus muna sa mga trabaho namin. Sinulit naman namin ang bakasyon eh. Kaya ngayon, trabaho naman.

Gangsters with worth naman kami no!

Hindi ko na sila tinext na pupunta ako sa apartment dahil alam ko namang nandun sila. Sana nandun din si Louie. Para naman makapag-usap kami.

"Ah, sir Yohan. Mauna na po ako." Pagpapaalam ko sa Boss ko na nakaupo ngayon sa table niya.

"Uuwi ka na?" Tanong niya. "Ay. Opo sir, may kailangan pa po kasi akong puntahan." Sabi ko.

"Importante ba?" Tanong niya na naman. "Opo. Kailangan ko kasing makita ang kaibigan ko. Kaiangan naming mag-usap." Sabi ko.

"Sino? Si Louie ba?" Tanong niya na ikinakunot ng noo ko. "Kilala mo si Louie?" Tanong ko kahit alam ko naman na kilala niya talaga si Louie.

"Oo. Ex-Girlfriend ko siya." Ay! Direct to the point si Boss.

"Ahh. Kaya pala parang namumukhaan ko kayo, Sir." Sabi ko nalang. Pero tumahimik siya tsaka may inabot saking papel.

"Ano po ito?" Sabi ako at binasa ko nalang ito agad. "Resignation letter?" Tanong ko na may kasamang pagkunot ng noo sa kanya.

"Sign it. This is your last day." Seryosong sabi niya. "Seryoso ba kayo sir?" Sabi ko sa kanya.

"I'm not into jokes. This is really your last day here." Sabi niya.

Kinalma ko ang sarili ko tsaka nagsalita. "Okay sir. Dahil last day ko na naman din 'to at napirmahan ko nadin lang ang resignation letter na 'to. May gusto lang akong sabihin." Sabi ko at binigay na sa kanya yung resignation na may pirma ko na.

"Hindi ko alam kung bakit mo ko pinapirma ng resignation letter na 'yan pero isa lang ang alam ko, hindi ka nga talaga karapat-dapat sa kaibigan ko. Kayo talagang mga lalaki, walang ibang ginawa kundi ang saktan kaming mga babae." Sabi ko.

"Yan lang ba ang sasabihin mo?" Sabi niya. "Hindi pa ko tapos." Sabi ko tsaka may lumapit sa kanya.

Pinigilan kong suntukin siya kaya naman kinuwelyuhan ko nalang siya. "Tandaan mo 'to. Hindi mo ko kilala. Isa lang naman akong gangster. At dalawang linggo ka lang naman nagpapasok ng gangster sa opisina mo." Sabi ko at tinanggal na ang kamay ko sa kwelyo niya. Inaayos naman niya ang damit niya.

A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon