Jem's POV
Hi! ako pala si Jemaica Min, Jem nalang for short. nabalitaan ko kasi na gusto niyong makilala kami eh ^_^
Ako nga pala yung kakambal ni Jam, wag kayong maingay sa kanya pero Idol ko talaga siya eh, kung paano siya kumilos, kung paano siya pumorma ginagaya ko talaga. pero yung mukha niya hindi ko na kelangan gayahin kase magkamukha naman talaga kami. HAHA
Andito ako sa kabilang shop siya naman nandun sa kabilang shop. sabi ni mommy tuwing sunday kami na daw ang magbabantay ng shop namin, para naman daw may magawa kami. lagi nalang daw kasi kaming gumagala eh.
Isasara ko na yung shop dito, kaya tatawagan ko na si Jam na isara nadin yun shop sa kabilang mall para makauwe na kami.
Calling Jam...
[ Jemyaaa! bakit? ] ay naku wala man lang hello?
"I'm gonna close na the shop here, you too okay?"
[ Oo, isasara ko nadin to..kita nalang tayo sa labas ng mall.. ]
"Okay, ingat ka Jam i love you.."
[ Oo.. i love you too..]
"yaa! so sweet, bye"
[ Bye.. ]
END CALL.
After ko siyang tawagan, nilock ko na yung shop. habang naglalakad tumitingin tingin ako sa mga shop dito sa mall. kung tutuusin pwede naman kaming maghire ng mga trabahador para magbantay sa shops namin eh, pero ayaw talaga ni mommy. gusto niya matuto kaming makipagsalamuha sa ibang tao sa pamamagitan ng pagbabantay sa mga shops namin.
Nakarating na ko sa Exit ng mall.
"Goodbye maam.." sabi nung guard.
"Goodbye din po.. ingat po kayo sa paguwi niyo mamaya.." sabi ko.
Close ko kasi mga guards dito eh ^_^ nga pala, kung tatanungin niyo ko kung anong suot ko ngayon. syempre nakaFormal wear ako. baka walang bumili sa shop kapag kung ano ano lang suot ko diba?
Oo, gangster nga ako pero katulad ni Master hindi din alam ng mga magulang namin ang tungkol dun. okay?
Andito na ko sa labas ng mall. konti nalang yung tao tsaka mga dumadaan na kotse kasi naman anong oras na kaya.
*BEEP BEEP*
~Message Received~
From Jam
Nasaan ka na? palabas na ko.
To Jam
Andito na ko sa labas ng mall, sa may waiting shed. bilisan mo natatakot ako eh.
Message Sent!
~Message Received~
From Jam
Sige tatakbo na ko papunta diyan.
To Jam
Sige, magiingat ka.
Message sent!
Binulsa ko na agad yung phone ko, hihintayin ko nalang siya dito. magkatabi lang naman yung mall na pinanggalingan namin eh.
"Excuse me miss.." lumingon ako sa likod ko, baka kasi ako yung tinatawag niyang miss.
"Sabi na nga ikaw yan eh!" sabi niya. tinignan ko naman yung mukha niya, sino ba siya? kilala niya ko?
"Ano pong ako?" sabi ko.
"Ikaw yung babae sa boutique diba?" sabi niya. ano daw? ako yung babae sa boutique?
"Ah pasensya na po sir, pero hindi ko po matandaan na pumunta kayo sa boutique ko.." sabi ko. matandain kasi ako sa mukha kaya ko nasabi na hindi ko siya matandaan.
"Ganun ba? okay lang yun.. ako nga pala si Kit Ignacio.. ikaw si?" sabi niya habang nilalahad yung kamay niya.
Mukha siyang matalino tsaka ang amo ng mukha niya. He's even cute. Wala naman sigurong masama na magpakilala diba?
"Ah, I'm Jem.. Jemaica Lim." sabi ko.
"Nice meeting you again for the second time.." sabi niya, ngumiti nalang ako. di ko kasi siya talaga matandaan eh.
"Sige, mauuna na ko sayo.." sabi niya sabay nagbow sa harapan ko kaya naman nagbow nadin ako, tapos nakita ko nalang siya na sumakay sa kotse.
"Jem!!" lumingon ako kung sinong sumigaw. si Jam pala.
"Sino tinitignan mo dun?" sabi niya sabay nguso kung saan ako nakatingin kanina.
Lagot ako dito kapag sinabi kong nakipagkilala ako sa strangers. lalo na at lalaki. nangako kasi kami sa isa't isa na bawal magboyfriend e. NBSB kaming dalawa.
"Ah wala, akala ko kasi sundo na natin yun.." sabi ko.
"Ganun ba? tara na dun tayo maghintay sa likod.. itetext ko nalang si butler para daanan na tayo dun..nagugutom na ko eh.." sabi niya.
"Sige sige.." sabi ko.
Naglakad naman kami papunta sa likod ng mall.. tumingin naman ulit ako dun sa pwesto ko kanina, Kit Ignacio.. Sino kaya siya? Hays -_- bahala na nga.
---
VOTE & COMMENT
What can you say about Jem? ^_^

BINABASA MO ANG
A Playgirl's Tale (formerly Playgirls are for Playboys)
Teen Fiction(UNDER MAJOR REVISION) Playgirls are for Playboys will be A Playgirls Tale. I decided to change the title of the story because when I back read everything I saw some flaws and I think I need to change it. So for now, this will be under revision. I w...