Kabanata 03

39 11 13
                                    

Kabanata 03

Him

"Bakit nangungulit ka?" si Ace.

"Si Casper boyfriend ko 'yon. Si Jace 'yong pinsan niya tapos si Vein naman ang medyo playboy-"

"Oo, nakwento mo na 'yan," angal ko kay Ace.

"Eh bakit ba?" Pinaghinalaan niya ako.

Nagyaya na naman siya sa canteen dahil nagugutom na siya. Kahit ayaw kong lumabas ng room ay natangay niya pa rin ako. Ewan ko ba sa lalaking 'to daig pa babae kapag nagpapasama. Kahapon ay katawagan ko siya at dahil sa kuryosidad ay natanong ko ang mga bagay na hindi dapat tinanatanong lalo pa't malisyoso siya.

"Alam mo magtatanong ka lang ng tungkol kay Dannsen, eh!"

Kaagad ko siyang tinampal upang manahimik. Ang daming tao sa canteen at ang lakas-lakas ng kanyang boses!

"Ano ba, Ace? Hinaan mo naman ang boses mo. Hindi naman tungkol sa kanya. Curious lang ako sa grupo nila," paliwanag ko.

"In denial ka pa, eh."

Pumili na ka agad siya ng kanyang makakain. Nakakainis man minsan ang ugali ni Ace pero lagi ko naman siyang pinagbibigyan. Simula kasi noong nag-high school at napasok ako sa eskwelahang ito ay siya na ang palagi kong kasama sa kung saan kahit ang layo ng ugali niya sa akin.

Pareho kaming naupo pagkatapos sa pwestong kita ang court. Dudungaw na naman siguro 'to sa mga naglalaro. At kung suswertehin nga naman ay nand'yan sina Casper. Five fine guys are clamorously playing basketball.

Mulat na mulat ang mata ni Ace sa pinagmamasdang magandang tanawin. Kahit ako ay napatingin sa kanila. Naalala ko naman ang bungad na kwento sa akin ni Ace kaninang umaga nang makarating ako sa silid. Siya na ang sumalubong at kinuwento ang tungkol kay Dannsen.

He's three-fourth Chinese and now living the same barangay as me in Tangalan. Coincidence nga naman. I wonder kung saan ang bahay nila ro'n.

"So crush mo nga siya?"

"Huh?" taka kong sagot nang mapalingon sa kanya.

"Nalulusaw na 'yang tinitignan mo, ah. Sino ba talaga ang crush mo r'yan?" Nanunukso niya akong tinignan.

"Wala, ah!"

"Masyadong defensive, ah! Bakit may exclamation 'yang sagot mo? Meron nga siguro 'no?"

"Wala nga..." biglang hinahon ng boses ko. Natawa siya bago binalik ang tingin sa mga naglalaro.

"Baka si Casper naman ang crush mo kaya hindi mo maamin? Bangasin ko kaya mukha mo?"

Pabiro niyang tinaas ang kanyang kamao na parang matchong lalaki. I almost crack a laugh because of that.

"Baliw!"

"Hindi nalang kasi amining gusto si Dann-" mabilis kong tinakpan ang kanyang bibig dahil sa lakas ng pagkakasabi niya noon.

"Ano ka ba! Hinaan mo naman ang boses mo," sabi ko sabay luminga sa paligid.

"Baka marinig tayo at kung ano ang isipin," dagdag ko.

"Tsaka huwag mo nga akong paratangan. Curious lang naman kasi ako. At ang sungit kaya no'n! Mabuti pa nga si Lucas-"

"So, si Lucas ang crush mo?"

"Ace, ano ba?!"

Gigil na gigil siyang tumawa sa harap ko. I don't understand why he keeps on insisting that I like one of them. Mala-pusa niya akong tinignan.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon