Kabanata 06

14 1 0
                                    

Kabanata 06

Script

Umagang umaga ay nagbu- bunganga na naman si Ace sa akin. Nalaman niya kasing ngayon kami gagawa ng script ni Dannsen at excited na excited daw siya para sa akin. Kung ano-ano na ang lumalabas na pang-aasar sa kanyang bibig ngunit hindi ko nalang siya pinansin.

Problema ko pa ngayon ay kung paano ako makakapag salita kapag nasa harap ko na siya.

Bumalik sa akin ang mga sinabi niya.
Ang suplado niya talaga! Dahil doon ay kailangang hindi ako late mamaya.

"Ela, nandito na si Ma'am," dinig kong bulong ni Ace sa akin.

Bumalik ang aking atensyon nang makita ang aming guro.

Nagsimula na itong magtalakay ng aming aralin sa araw na iyon. Mataman naman akong nakinig dahil ayaw ko ng maulit ang nangyari sa klase noong wala ang aking atensyon doon.

Sa bawat pagbigkas ni Ma'am Garcia ay sinusulat ko ang mga importanteng mga detalye na wala sa aming module. Ginawa ko ang aking makakaya para makapag-pokus sa klase at hindi sa ibang bagay.

Mamaya ko nalang muna iisipin ang tungkol sa pag-uusap namin ni Dannsen para sa script.

Bumuntong hininga na lamang ako at itinuon ang atensyon sa harap.

"Okay, get one fourth sheet of paper," sambit ni Ma'am Garcia nang matapos ang kanyang discussion.

"Wala akong naintindihan doon."

Bumulong si Ace sa akin. Nangunot ang aking noo sa kanya. Bakit hindi niya naintindihan, eh ang ayos ng pagpapaliwanag ni Ma'am sa aming aralin ngayon.

Tinitigan ko siya ng mabuti, tsaka napadpad ang tingin ko sa kanyang kamay na may hawak na litrato. Iyon ang litrato ni Casper na hiningi niya kay Lucas.

Half naked si Casper sa litratong iyon, kitang kita ang pagiging maskulado nito na tila ba'y inukit ng perpekto. Nakangiti habang may hawak na sponge sa kabilang kamay, nasa background nito ang sasakyan na marahil ay nililinisan niya.

Paanong ginawa pa ni Lucas na kunan si Casper ng litratong akala'y wala lang ngunit ibibigay pala niya sa aking kaibigan para lamang makuha ang aking numero.

Napailing ako, kaya wala siyang naintindihan sa klase ay dahil sa kakatitig niya sa litratong iyon.

"Number one," tawag ni Ma'am. 

Minadali ko naman ang pagkuha ng aking papel tsaka nakinig sa paunang katanungan niya para sa pagsusulit na iyon. Ganoon na din ang ginawa ni Ace tsaka nagsulat ng sagot sa kanyang papel na hindi ko alam kung tama ba.

"Hindi ko alam ang sagot," bulong niya sa kalagitnaan ng pagsusulit na iyon.

Pasimple kong inilapit ang aking papel sa banda niya upang makakuha siya ng sagot sa aking papel. Hinayaan ko lang siyang kopyahin ang sagot ko habang ako naman ay nakamasid sa aming guro para hindi kami mahuli.

Nang matapos ang pagsusulit na iyon ay tsaka naman winastuhan.

"Perfect ka na naman, wala namang bago doon," sabi ng katabi kong si Ace. 

I ace our quiz today. Hindi na masama at nakabawi naman ako kay Ma'am Garcia dahil sa araw na hindi ako nakinig sa klase niyang iyon.

"Wala talaga akong maisagot kanina," kamot ng ulo ni Ace. 

Maingay na sa silid pagkalabas ni Ma'am, nagtatanungan ang iba ng kanilang mga naging resulta at ang iba naman ay natural lang na nagkuwentuhan ng kung ano-ano.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon