Kabanata 31

4 0 0
                                    

Kabanata 31

Valentine's Day

Saturday, Valentine's Day

I got sweet messages from Tita Charity and some friends.

I also greeted them back with love. Even Andrei called and greeted me earlier, ang layo sa kanyang mag-greet ng ganoon dahil hindi sa mahilig sa mga ganitong klaseng araw.

Nag-aayos naman ako ng bulaklak na dadalhin sa puntod ni Papa dahil birthday niya ngayon. Hindi pwedeng walang bibisita sa kanya sa espesyal na araw na 'to.

"Wala bang ipinadalang bulaklak sa'yo ang iyong nobyo, apo?" si Lola.

Nag-aayos siya ng dadalhin kong pagkain. Doon na rin kami kakain ni Dannsen sa puntod ni Papa. I'll introduced him to them.

"Po?"

"Bulaklak kako, apo..."

Natawa ako. Parasng siya pa ang sabik na sabik makatanggap ng bulaklak. Siguradong matutuwa siya kapag hinayaan ko siyang ayusin 'yon at ilagay sa altar. She always does that. She'll pick some bloomed flowers and put it on altar beside Mama and Papa's picture.

"Wala pa po, La," sagot ko.

"Oh siya, basta't ipakilala mo sa ama't ina mo."

"Ipakausap mo sa tatay mo, siguraduhin mong magugustuhan ng iyong ama iyan,"biro ni Lola.

"Kung nabubuhay lang iyong ama, siguradong kikilatisin niya ng maigi si Dannsen." Napahinto siya sa ginagawa.

"Kung sabagay naman ay wala kang mapipintas kay Dannsen, ano? Kahit ang Lolo mo nga'y hindi na umangal," dagdag pa nito.

Sumang-ayon ako. Siguro ay nakakakaba kapag pinakilala mo ang boyfriend mo sa parents. Hindi mo alam kung magugustuhan ba nila. Pero sa lagay ko'y Hindi ko na maririnig ang komento nila tungkol sa lalaking nagustuhan ko.

Pero alam ko namang gusto nila ito para sa akin. They'll support me no matter what. Kahit na nasa langit na sila.

"Ubusin niyo 'tong mga pagkain. At kung mainit nama'y huwag na kayong tatagal doon. Batiin mo nalang ang iyon ama para sa akin. Nirarayuma na yata ako."

"Sintomas na talaga ng katandaan ito."

"Naku, Lola! Hindi naman po halata, ah!" natatawa kong sabi.

"Aba'y ako pa ang iyong binola," tawa niya rin.

Dannsen promised me that we'll visit my parents grave today but he didn't greet me. Nag-greet naman ngunit hindi ko inaasahang simpleng "Happy Valentine's Day" lang. Akala ko'y may mahabang message. Akala ko magpapaka-corny siya ngayon. Pero tatlong salita lang ang text niya kanina. PArang napilitan pa.

He's mad yesterday. Dahil Hindi ako nakapagpaalam sa kanya. Alam ko naman ang kasalanan ko doon. Tapos nag-alala lang din naman ang siya.

Hindi nga niya ako kinausap ng buong byahe hanggang sa makauwi.

Pinaliwanag ko naman sa kanya pero ang sagot niya lang ay puro 'Okay'. I assured him that I won't do it again. Pero "Okay" lang talaga ang sagot.

Kailangan ko yatang magbaon ng jokes at corny na mga salita para mapaamo ko siya. Ang hirap kapag galit siya parang bawal magsalita o asarin na nagseselos lang siya. Unlike Andrei and Casper's relationship, kahit na si Andrei ang may kasalanan si Casper pa rin ang humihingi ng tawad at naglalambing. I always witnessed that. Amazona kasi si Andrei, kahit naman na sino matatakot sa kanya.

Lumabas na si Lola at naiwan ako habang inaayos ang mga bulaklak. Kanina pa ako nakabihis, simpleng t-shirt at jeans lang sa araw na 'to.

Bigla namang tumunog ang aking cellphone nang may mag-text doon.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon