Kabanata 20

4 0 0
                                    

Kabanata 20

I think

I wanted to say sorry... Hindi ko naman alam na siya pala iyon.

"Dannsen..."

Napapikit ako ng mariin nang makita ko ang seryoso niyang mukhang nakamasid sa akin.

"Lucas, huh?"

Napalunok ako habang tinititigan siya.

Hindi ko alam kung paano mag re-react nang makita ko ang mga mata niyang tila nanggalit. Bakit ba hindi ko muna pinakiramdaman kung sino iyon, bigla-bigla nalang akong nag-bibitaw ng pangalan. Pinagsisisihan ko talaga ang pagbanggit ng pangalan ng iba.

Napadako rin ang paningin ko sa kanyang katawan. Mabuti at naglagay siya ng tuwalya sa kanyang leeg kaya bahagyang natakpan naman ang kanyang mabatong katawan.

Medyo nailang na ako kaya umiwas na ako tsaka binalik ang tingin sa kanyang mukha na hindi pa rin naalis ang dismaya at irita.

"Uh... S-sorry akala ko kasi si Lucas," pag paumanhin ko sa kanya.

Parang gusto kong magpakain sa lupa ngayon. Hindi nag bago ang ekspresyon niya, nakatitig lang ito sa akin. Nakatayo sa bandang gilid ko, seryoso at hindi na maipinta ang mukha.

Hindi ko alam ang gagawin. I know he's mad. His jaw clenched. Pero bakit?

"Uhh..."

Mag sasalita na sana ako nang hawakan niya ako sa braso. Nagtaka naman ako kung bakit niya iyon ginawa. Hindi niya ba alam kung ano ang naidudulot niya sa akin? Tinitigan ko siya habang nakakunot ang noo. Pero hindi siya nag-salita, ang tanging nagawa ko nalang din ay ang titigan siya.

Mas lalo lang naging halata ang pag ka-inis sa kanyang mukha. Iritang-irita ito na siyang nakakapag-pabahala sa akin.

Walang sabi-sabi ay hinatak na niya ako kaya napatayo nalang ako sa aking upuan. Nilingon ko ang walang pakielam na si Jace para sana magpatulong sa paghigit sa akin ngunit wala na akong nagawa nang nahatak na niya ako ng tuluyan kaya sumunod nalang ako sa kanya.

Napunta kami sa loob ng bahay. Walang tao roon kahit iyong mga kasambahay ay wala. Siguro ay nagpahinga na.

Huminto kami sa may kusina. Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin doon kaya tumahimik lang ako nang bitawan niya ang kamay ko. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso kaya yumuko nalang ako at ang paa ko ang pinagtuonan ng pansin na parang napaka-interesante nito tignan.

Walang nagsalita pero dama ko ang matalim na titig niya sa akin.

"Is that your way to make me jealous?" pag-uumpisa niya.

Napaangat na ako ng ulo sa kanyang sinabi tsaka nagtaka kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Mentioning other guys name instead of mine?"

"Ha?"

Naguluhan ako sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko. Selos? Anong mag-seselos? Siya? Biglang uminit ang pisngi ko. Mali yata ang narinig ko? Sinong nagseselos?

"Be sensitive sometimes, baby."

Mahina niyang sinambit ang huling salita. Kumalabog ng malakas ang aking dibdib. Ang mga paru-parong natutulog lang kanina ay masigla at hindi na mapakali. Panaginip ba 'to? Pwedeng huwag na akong magising? Dito nalang ako.

Bakit ganito? Nararamdaman ko ang malakas na pintig ng aking puso, mga paru- parong nabuhay muli.

Gusto mo talaga akong mahulog ng napakalalim sa iyo? Paano ba lumayo sa'yo? Paano ko ba pipigilan ito? Paasa ka ba?

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon