Kabanata 24

7 0 0
                                    

Kabanata 24

Party

I'm no princess, but this story started a once upon a time. I have no carriage to bring me near to a prince who I desired the most. I only have my grandparents, truest best of friends. I don't even have the memories to share with him.

I do not even know if this kindest heart will fit in his, because having this kindness can turn into worst horror. Baka sa sobrang bait ng aking puso ay maibigay ko siya sa iba (na nagawa ko na nga) at pagkaitan ang aking sarili.

"Why do you have this ability to make me feel this unknown?" bulong ko sa aking sarili habang tanaw na tanaw siya sa stage. It's our Christmas programme. All grade levels are performing in every contest they are in.

Kindness is free, also love is free. Having a choice have it also. But, my choice is to choose him. To choose only our happiness. To take risk. Not for myself but for the both of us. This young heart of mine is taking risk.

As I stared at his melancholic chinito eyes, I slowly understand how love is painful. How it is going to be so painful. Love makes our lives divine, because the greatest and scariest risk of every human being is to be with someone who's ready to start their story a once upon a time and make it through happily ever after.

Hindi ko pa nasasabi sa kahit na sino sa kanila. Natatakot akong makarating iyon kay Phoebe.

Tinanaw ko silang nasa stage. They're like kids playing wearing Christmas hat. Napakasigla ng kanilang mga kanta, pinangungunahan iyon ng kanilang presidenteng babae. Dannsen is just cool wearing that kind of hat. Parang wala lang sa kanya.

Nakihiyaw na rin ako sa mga nagsisigaw. Iwinawaygay ko pa ang aking hawak na creep paper na kasama sa aming props.

Lumingon si Dannsen sa aking banda nang maagaw ko ang kanyang atensyon. Nangunot lamang ang kanyang noo.

"Ela!" tinapik ako ng bagong dating na si Lucas. Nakasuot din ito ng pulang Christmas hat, katulad ko. May hawak siyang baston na desinyong candy cane, props sa aming carols.

"Ayos ka lang?" tanong ko.

Nakaputing plain t-shirt ito tsaka jeans, habang ako nama'y nakapulang t-shirt at pantalon lang.

Tumango siya. Binigyan niya ako ng napakalaking ngiti tsaka niya pinisil ang aking ilong.

"Ano ba!" asik ko. Tinawanan niya lang ako.

"Ang kyut mo talaga!" untag niya sa akin.

Pinaglaruan niya iyong hat na suot ko. Sinusuway ko naman siyang huwag gawin iyon ngunit ang tigas ng ulo niya. Ningingisian niya lang ako kapag hinahawi ko ang kanyang kamay.

Nang hulihin ko ang kanyang kamay ay napasama ang aking sombrero kaya nagulo ang aking buhok.

"'Yan mas bagay sa'yo!" mas lalo lang niyang ginulo ang aking nagulong buhok.

Inasar-asar niya akong muli habang ginugulo ang aking buhok. Hinampas ko siya gamit iyong hat ng ilang beses hanggang sa nahuli na niya ang aking kamay. Nakangisi niya akong pinagmasdan ngunit umiwas lamang ako.

I froze at sight of dark eyes behind Lucas. Still wearing red hat, his eyes are intently staring at mine. Gusto kong magtago sa likuran ni Lucas ngunit naisip kong hindi magandang ideya iyon.

"Bro!"

Kunwaring niyakap siya ni Lucas ngunit wala lamang iyon sa kanya. Nahulog ang kanyang mata sa kamay ni Lucas na nakahawak sa aking palapulsuhan. Mas lalong dumilim ang kanyang tingin nang makita iyon kaya ako na ang naghiwalay.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon