Kabanata 43

4 0 0
                                    

Kabanata 43

It's a lie

It's a privilege to get hurt. It means you're not numb to feel anything...everything. It's like holding a rose with thorns-beautiful, but once you touch the thorns, the pain will start to linger until your fingers get numb.

Andrei didn't say anything, kahit na magkasama kami. Hindi siya kumikibo, tahimik lang at nakatulala. Ayaw niyang magmukmok sa kanila dahil mahahalata raw ng Mommy niya. At mas lalong ayaw niyang mapag-isa sa ibang lugar at isipin nang isipin ang nangyayari sa kanila ni Casper.

She's in love. They're in love that's why they're hurting.

Pagkatapos ng nangyari, parang nag-iba. I know. Pero hindi ako sanay. Tinangkang kausapin ni Casper si Andrei but Andrei refused. I was hurt, too. I didn't know about the engagement, at ang masaklap pa ay 'yung babaeng ipapakasal kay Casper ay 'yung babaeng kinababaliwan ni Jace.

Destiny is not up to them. It ended up like that. Casper is engaged to Yassi; Jace's love. Kung ako ang nasa kalagayan ni Andrei, I might break down. Pero nandito siya, hindi manlang naisip na magpahinga muna. She's trying to be strong, but I know, pain was lingering inside her.

"I'm mad at him and to myself...because I didn't realize the possibility that he'll be marrying someone else..." suminghap siya.

"Hindi ko naisip na may posibilidad palang ipakasal siya pero hindi sa akin."

"Pero 'di ba kung mahal niya ako, kahit anong dutdut pa ng kasal sa kanya tatangihan niya!" she cried. Pinapaalala niya ang sarili sa katotohanang 'yon.

Pinalis niya ang mga luha niya, pero napapalitan lang ng panibago 'yon. She's trying her best to hide her emotions, pero hindi na niya kaya ang sakit.

"Pero..." humagulgol na siya.

"Pero hindi siya tumanggi do'n! And I feel so unimportant to him that he didn't even think about how I would react or how I will be broken, "she cried out.

"You think I'm really in love? Oh fuck for God's sake I'm really in love with him!"

Tinakpan na niya ang kanyang mukha ng dalawang palad. Her shoulder is shaking of crying.

I pulled her closer to me and hug her tight. Gusto kong higupin ang sakit na nararamdaman niya. Para kahit kaunti ay mabawasan ang sakit. Sana pwede kong gawin, sana pwede kaming share sa sakit para hindi lang siya ang nakakaramdam no'n.

Nakinig lang ako sa kanya. Wala akong nagawa kundi ang paghagod sa kanyang likod.

Wala siyang magawa dahil kasunduan 'yon ng pamilya nila Casper. At pumayag si Casper do'n.

"I'm always here, be strong, 'Drei," I whispered.

She stopped crying. We remained in our position. Parang natutulog na siya sa balikat ko at mabigat ang paghinga niya. Sana hindi niya naiisip na sumuko, sana ipaalala niya sa sarili niya kung gaano niya kamahal ang taong nanakit o hindi nagsabi ng totoo sa kanya.

Sana maalala niya kung paano sila nag-umpisa noon. May solusyon pa naman kung gugustuhin nila.

Maayos na kaming naglalakad. Seryoso lang si Andrei at hindi kumikibo. She remained her cool as if nothing happened. Inaalalayan ko siya sa braso kahit na maayos naman siyang tignan, she's strong, I know. Kahit na may mga nakakasalubong kaming grabe ang tingin sa kanya ay parang wala lang sa kanya.

Nang nasa hallway na kami, malapit sa hagdan na papunta sa ikalawang palapag ay may narinig ako. Hindi narinig ni Andrei 'yon dahil patuloy pa rin siya sa paglakad habang ako ay napahinto.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon