Kabanata 25

5 0 0
                                    

Kabanata 25

Say yes

Naiinis kong hinalungkat ang aking kwarto. Hindi ko mahanap-hanap ang aking barrette kahit na sa kung saan na akong sulok nag hanap.

Hindi rin wasto ang aking pag-iisip dahil sa mga nangyari noong Christmas party. Hindi ako nakapaghawak ng cellphone dahil sa dismaya at pagkalumo. Hindi ko kayang kausapin si Dannsen tungkol sa paghalik ni Phoebe sa kanya.

Hindi ko naman talaga nakitang hinalikan siya sa labi ngunit ang pagtingkayad ni Phoebe ay senyales na iyon. Dumating si Lucas nang mga oras na iyon at hinatak ako kaya Hindi ko na nakita kung ano ang sunod na nangyari. Kaya heto ako at naguguluhan.

Sumasabay pa ang barrette na nawawala.

At si Lucas...

Ang mga inamin niya sa akin pagkatapos noon.

Naglakad pa ako nang naglakad nang makarinig ako ng tila nag-uusap. Lumapit ako sa dulong bahagi ng hallway.

"I want to tell you something."

Rinig ko ito mula roon. Hindi ako magkakamali, boses iyon ni Phoebe!

Nagtago ako sa may bandang pader na malapit sa kanila, tama lang ang distansya upang marinig sila.

"What?" he said with a cold tone.

"Uh... Kasi Dannsen, matagal ko na itong nararamdaman sa'yo pero ngayon ko lang-"

"Straight to the point, Phoebe."

Napapikit ako. Bakit ganyan siya makipag-usap kay Phoebe?

"I like you, Dannsen."

"No... I guess it's not like...I love you, and I really do!"

Mahabang katahimikan iyon, walang naging sagot si Dannsen. Habang sumisikip ang aking dibdib ay pinanuod ko pa rin sila. Seryoso at umiigting panga lang ang ipinapakita ni Dannsen.

Akala ko pa ay tapos na iyon ngunit mas malala pa ang kasunod.

Nadismaya ako nang napatingkayad si Phoebe palapit kay Dannsen. Nakatayo lang si Dannsen. Hindi manlang siya umiiwas!

Nang kaunti nalang ang distansya ng mukha nila ay may biglang kamay na tumakip sa aking mga mata. Pagkatapos ay bigla akong hinatak papalayo roon.

"Lucas, bitawan mo ako!"

Nagpumiglas ako sa hawak sa akin ni Lucas. Ang direksyong tinatahak namin ay patungong hardin. Hindi ko napigilan ang luha sa pagpatak. Hindi ko na alam kung dumampi ba ang labi nila sa isa't-isa. Naghalikan ba sila?

"Hey..."

Iniharap niya ako sa kanya. Tinitigan niya akong mabuti habang panay naman ang iwas ko. Hindi niya dapat malaman na nasasaktan ako. Na nag-aalala ako.

Pinalis niya ang mga luhang dumaloy patungo sa aking pisngi.

"You love him," malungkot na tono nito.

Mas lalong dumaloy ang aking luha pababa sa pisngi.

Masakit palang makita iyon. Iyong umaamin ang isang babae sa taong mahal mo habang ikaw ay walang magawa kundi ang panuorin lamang sila.

Umiwas ba siya sa paghalik ni Phoebe o hinayaan niya lang iyon? Iyon ang naiwang tanong sa akin hanggang ngayon.

Mas humagulgol ako nang yakapin ako ni Lucas ng napakahigpit. Hindi ko alam kung para sa akin ba iyon o para sa kanya. He's shaking, I don't know why.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon