Kabanata 04

26 8 13
                                    

Kabanata 04

Nice meeting you

Nahihikab pa akong naglalakad sa hallway sa umagang 'yon. The cold breeze of early morning wants me to go back to bed. Halos nagpuyat na rin ako kagabi dahil sa mga tinapos kong homework. Kahit na antok pa ay ngumingiti pa rin sa mga bumabati sa akin.

"Magandang umaga, Ela!" masiglang bati ni Lucas sa akin nang makapasok ako sa silid.

Ang taas naman yata ng energy ng taong 'to ngayon. Pero kung sabagay ay noon pa man ito masigla. Despite of early morning he still manage his energy that everyone loves about him. Sino ba naman ang hindi na rin sisigla dahil sa ngiti niya sa umaga?

"Good morning," sabi ko sabay kaway pa dahil sa tuwa sa kanya.

Napakamot siya sa kanyang ulo. I also greeted my classmates who are already making noise. Nagtaka ako kung bakit wala pang tao sa katabi kong silya. Himala yatang hindi maaga si Ace ngayon, ah. Palagi kasing nauuna 'yon sa'kin. Nakakapagtaka naman ngayon na wala pa siya.

Naupo ako sa silya ko tsaka sumunod si Lucas. Naupo siya sa bakanteng silya ni Ace tsaka ako pinagbalingan ng pansin. All of a sudden he's too friendly to me, but I don't mind because he's comfortable to talk with.

"Wala pa si Ace? Himala yata at nauna ka sa kanya," puna ni Lucas.

"Oo nga, eh."

Nagkibit balikat ako, baka maya-maya ay susulpot na 'yon. Kinuha ko ang module par asana magbasa ng next lesson. Pero nandito pala si Lucas sa tabi ko.

"Uh... Bakit?"

Nakatingin lang siya sa akin. His eyes are twinkling for something. Ang sigla pa rin ng ekspresyon niya kahit na ganoon lang siya sa akin. Bigla akong naconcious sa mukha ko. Napahawak ako sa aking mata. Sinipat ko kung may dumi ba ro'n. I even check my cheeks for dirt, pero wala naman.

Nahihiya kong tiningnan si Lucas. He chuckled to my sudden reaction. Siniguro ko lang naman baka may dumi pa. Hindi ko namalayang kahit iyong maliit na galaw ko'y nakita niya. Nakakahiya tuloy. Baka isipin niya na conscious ako bigla dahil sa titig niya.

"Ang cute..."

Mas lalong lumapad ang kanyang ngiti nang nahihiya kong tinampal ang kanyang braso.

"Nag-almusal ka na ba?" bigla niyang tanong.

"Oo."

"Ahh... Samahan mo muna ako, oh. Tumutunog na ang kalamnan ko. Nagrereklamo nab aka isipin hindi ko pinapakain," biro niya.

"Tapos ano...treat na rin kita kung nagugutom ka rin para hindi mo ako tititigan kapag kakain ako."

Natawa ako sa kanya. He's being straightforward but still funny.

"Baka kasi malusaw ako at hindi ko na tuluyang mapakain ang mga alaga ko," dagdag niya pa sabay ngisi.

"Kung mag-aalok ka rin lang ng almusal dapat hindi ka na nag-aasume."

We both chuckle. I already like his humor. Siguradong magkakasundo kaming dalawa kung ganito siya kasigla.

"Ouch! Hindi naman po sa nagmamayabang pero maganda po ang lahi ng nanay at tatay ko. Imposible pong hindi ka mapalingon sa'kin."

Napailing ako. Nakakatawa siya sa totoo lang. Komportableng-komportable ako kay Lucas na gusto ko siyang maging kapatid. Ang cute siguro kapag naging kuya ko siya. Sa nakikita ko kasi sa ibang mga may kuya ay nakakainggit. They have someone who's going to annoy them but at the same time will save them to those bad guys who tries to hit on them. Ang cute lang sa pakiramdam. At ang saya lang niyang kausap.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon