Kabanata 23

6 0 0
                                    

Kabanata 23

I love you

So this feelings really exist? What should I do to make my feelings gone? Kung para sa akin, para sa akin. Kung Hindi naman ay hahayaan nalang.

As my tears fall down my cheeks, I already knew that I've fall hard--harder than I thought. But I'm not suitable for a prince like him. I'm just...ordinary.

Ako lang iyong mabait na apo.

Anong magagawa ko kung may isang prinsesang nasa tabi na niya at handang ipaglaban ang kanyang pagmamahal? Gagawin ang lahat upang makamit ang pinakamamahal na pinsipe.

How can I do that if I'm afraid to hurt my friend?

Ilang araw na ang nakakalipas simula noong nangyari. Pagka- uwi ko ng hapon na 'yon ay nagkulong lamang ako sa aking kwarto. Nagtataka man sila Lola ngunit hindi ako kumibo kung ano ang nangyari sa akin.

Napupuno ng luha ang aking pisngi... Nagkakaganoon ako sa isang lalaki. Sa isang lalaking hindi naman pwede sa akin.

"Ela, thank you talaga!"

Pagkapasok ko palang noong umaga ng lunes ay sinalubong ako ng yakap ni Phoebe.

" I need to treat you for doing me a favor!" sabi niya habang namumungay ang mga mata. Tipid na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.

Malaking ngiti ang ibinibigay niya sa akin ngunit ako'y mapait na pinipilit ang ngiti. Masaya naman ako, ngunit hindi ko talaga maalis ang pagiging mapait.

"What do you want?" Kumapit siya sa braso ko habang hatak-hatak na ako patungo sa canteen.

"Naku, hindi na!" tanggi ko.

Hindi naman na kailangan, tapos na. Hindi naman maiibsan ng kahit ano ang naramdaman kong kirot noong nakita ko silang magkasama.
Tama nga si Andrei, ang tanga ko. Sana pala naging makasarili rin ako 'no?

"Come on! It's a progress you know. Alam mo bang halos magkapareho kami ng mga gusto?" kwento niya habang nakakapit pa rin sa aking braso.

"I think we're really meant to be!" Kinikilig niyang sabi.

Ngumiti ako ng mapait habang hindi pa rin kumikibo. Nagpapatuloy lang kami sa paglalakad, nagpapatangay lang ako sa gusto niya.

"Ela, say something! Bagay talaga kami 'di ba?"

Dapat maging masaya ako sa kaibigan ko, pero hindi ko magawa. Kapag pinilit kong sabihin sa sarili ko na hindi ako nasasaktan kahit kaunti ay parang niloko ko lang din ang sarili ko.

"Oo, bagay na bagay," mahina kong sagot. Pinilit kong ipakita sa kanya na totoong masaya ako para sa kanila.

"Btw... I saw you, kayo ni Andrei?" bigla niyang singit ng topic na iyon. Hindi na ako magugulat dahil alam ko namang nakita nila kami, lalo na no'ng umalis ako.

"Anong ginagawa niyo ro'n?" Kunot noo niyang tanong.

Sinundan namin kayo...

Kung sana ay pwede lang sabihin iyon para hindi na ako magsinungaling sa kanya. Pero hindi ko iyon isinatinig at sa halip ay sinagot ko siya sa ibang rason.

"Ahh...ano, may hinanap lang kami ni Andrei." Hindi ko alam kung napapansin ba niya ang pagiging malamig ng aking boses.

"Oh? Para sa Christmas party?" tanong niyang muli. Nangingiti pa rin ito sa akin habang nakakapit. Mas mahigpit pa ang kapit niya noon kay Dannsen.

"Uh... Oo."

"Aww... Ikaw? May gifts ka na?"

"Wala pa nga, eh..." sagot ko.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon