Kabanata 54

7 1 0
                                    

Kabanata 54

Uncertainty

They always ask themselves: When will we start fighting and when to give up? Are we worthy of pain or happiness? Do we deserve to love and be loved? Maybe yes, because we're human or maybe one of you is not yet sure? But even animals are worthy of humans love. We're all worthy.

Siguro ay maraming tanong talaga ang hindi masagot-sagot, pero kakahanap natin ng sagot ay hindi natin namamalayang nalagpasan na pala natin ang posibleng sagot. At sa halip na sa sarili natin hanapin ang mga sagot, naghahanap pa tayo ng taong hindi naman sigurado kong may maisasagot sa bawat tanong natin.

We always blame love for giving us scars, but we didn't even take a chance to blame the people behind every painful mark that sank under our flesh. Another take chances of cutting their selves without realizing it's more painful than heart aches and they will call it heartbreak caused by love but don't call it caused by the person we loved.

I've tried so hard to understand how life doesn't want us to be happy? Like I was today. I love staring at this ocean colored gown, but the excitement that is expected to be felt turned into something that's near the end.

Nakaupo lang ako sa kama simula nang magising ako at tinatanaw ang gown habang nakasabit sa tokador.

Halo-halo ang emosyon na aking nadarama na hindi ko maintindihan kung bakit. Dapat masaya ako at excited para mamaya ngunit bakit ganito na lamang ang tambol ng aking puso sa hindi malaman na dahilan?

Nilingon ko ang salaming kanina pa nasasaksihan ang hindi mapakaling galaw ko. Ang putla ko nang makita ang repleksyon sa salamin. Ang daliri ko sa dulo ng kama ay kanina pa hindi mapakali.

Nagulantang nalang ako nang marinig ang ring ng aking telepono. Agad ko iyong hinanap sa kama at nang matagpuan sa ilalim ng aking unan ay agad na sinagot.

"Hello?"

Nanginig ang aking kamay nang marinig ang nagpapaliwanag na boses ng isang babae. It almost makes me drop the phone when I heard the best news I receive for today.

"Talaga po?"

At sa hindi mapigilan na bugso ng damdamin ay napatalon ako. Pigil ang tili.

"Sige po. Salamat po, Ma'am!"

It made me jump on my bed. The first print of our paper is already approved by the Dean! Ibig sabihin ay pwede na naming i-print out iyon at mai-rerelease na namin by the end of school year! Ibig sabihin ay successful ang vision namin!

Isa sa mga pangarap ko ay natupad na. This is now the stepping stone and I need to climb patiently for more.

Dinama ko ang singsing sa aking daliri. Hindi na naalis ang malaking ngiti sa aking labi. Ito siguro ang kabang kanina ko pa nararamdaman. Thank you, Mama at Papa.

Tanghali nang makababa ako sa sala dahil sa tawag ni Lola. May kausap siyang isang babae at lalaking parang babae. Siguro ito ang sinasabi niyang mag-aayos sa akin.

"Ay! Ito na po ba ang inyong apo?" tili ng lalaking-babae?

"Oo, siya na nga iyan."

Pinalapit ako ni Lola sa kanila upang ipakilala. Inirekomenda pala ang mga ito ng aming kapitbahay na siguradong pinagtanungan ni Lola.

"Parang hindi naman na kailangan ng make-up, ano?" komento ng babae.

"Kaganda-ganda! Pero tatabunan nalang natin 'tong mga imperfections...freckles' etceteras!" pumalakpak ang makeup artist pagkatapos i-examine ang aking mukha.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon