Kabanata 28

6 0 0
                                    

Kabanata 28

Meet

"H-hello?"

Nanginig kaagad ako sa pagsagot ng aking cellphone. Dannsen is calling...

Naalala ko ang labi niya na dumampi sa akin.

Maikling katahimikan mula sa kabilang linya ang aking narinig. Tila nagpigil siyang huminga dahil hindi ko 'yon marinig.

"Let's date."

Napasinghap ako. Hindi pa kami lumalabas na kaming dalawa lang no'ng maging kami. Minsan ay kasama ang ibang kaibigan. Uminit ang aking pisngi sa kanyang pagyaya.

"Let's date, baby..." ulit niya sa mas mababang boses.

Napalunok ako at mas lalong nag-init ang pisngi. Wala namang okasyon ngayon, hindi naman espesyal ang araw, ah? Sa susunod na sabado pa naman ang birthday niya.

"Are you busy?"

Kaya lumunok ako ng ilang beses upang makasagot ngunit naunahan niya ako sa pagsasalita.

"Kung busy ka, I can just go there?" suhestiyon niyang muli.

Nagpalakad-lakad ako. Alam na alam niya kung ano ang gagawin.

"Hindi naman," sagot ko.

"So, you're free today?"

"Oo."

Nangiti na ako.

"Hmmm..."

"What are you thinking?" tanong niya.

Kumawala ang aking mumunting tawa, hindi ko na iyon napigilan kaya nailayo ko sa akin ang cellphone. Nagpigil ako ngunit tumakas na lahat ng tawa sa akin. Nababaliw na yata ako.

Nang matapos ako sa paghalakhak na iyon ay ibinalik ko ang cellphone sa tainga.

"Why?"

"Nothing..." natawa kong sabi.

Tama bang naiisip ko ngayon ang labi niya? Nakinikilig ako?

"You're crazy."

"Hindi ah!" angal ko naman.

"Then you're crazy about me, huh?" He chuckled.

Sino ba naman ang hindi mababaliw sa'yo?

"Stop na." Suminghap ako.

"Anong oras tayo magkikita?" deretsa kong tanong. Narinig kong tumawa siya sandali sa kabilang linya.

"I'll pick you up, 4 pm?" Tumango ako.

"Okay..." ako.

"I love you."

Natigilan na naman ako nang marinig iyon. Kelan ba ako masasanay sa "I love you" niya? Three words and I go crazy everytime I hear it from him. I-record ko kaya tapos pakinggan araw-araw para masanay ako? Magandang ideya 'yon.

Nakagat ko ang aking labi. Mariin.

"Uh... I love you...too. "

Hindi ko alam kung narinig niya ba dahil sobrang hina noon. Pero natahimik sandali ang kabilang linya.

"Don't be too beautiful later, 'kay? I'll hang up now. See you."

Naibaon ko ang aking mukha sa unan. I wiggled my feet like an excited kid.

"Ela, hindi kita matutulungan ngayon."

Kausap ko si Andrei sa kabilang linya. Magpapatulong sana ako na mag-ayos pero busy yata siya ngayon.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon