Kabanata 33

4 0 0
                                    

Kabanata 33

Too much

"Kumain ka na muna," ani Lola.

Umupo ako ng tahimik at kumain sa hapag. May inaasikaso pa siya sa kusina.

"Si Lolo po?"

"Naku, maaga iyong pumunta sa sakahan. Ani ngayon at kailangang maaga siya," sagot naman nito. Napatango ako pagkatapos.

Tahimik na muli akong kumain sa hapag. Iniisip ko kung ano ang isusuot ko sa Debut ni Andrei. Sa sabado na 'yon.

May naisip na akong iregalo sa kanya pero hindi ko pa nabibili. Nagsabi naman siya noon sa akin na huwag na raw akong mag-abala sa regalo dahil ayos lang daw, pero gusto ko siyang bigyan.

Nang matapos ako sa pagkain ko ay naghugas kaagad ako ng pinggan at naghintay ng pagdating ni Dannsen.

"Ela, nadiligan mo na ba ang mga halaman na ito?" sigaw ni Lola galing sa likod ng bahay.

"Opo!"

Pagkagising ko ay iyon kaagad ang aking inasikaso. Dumarami na nga ang tanim doon dahil minsan ay nagdadala si Lolo ng mga hiningi niyang halaman mula sa kapit-bahay. Mayroon na ring iilang rosas at bougainvilla ngunit maliliit pa lamang.

Ilang minuto pa ang aking paghihintay ay narinig ko ang busina sa labas. Siguradong si Dannsen na 'yon. Mabilis kong sinukbit ang aking bag sa balikat tsaka nagpaalam kay Lola.

Patakbo akong lumabas sa bahay na tila isang asong excited na makita ang kanyang amo.

Nakita ko kaagad siya, fresh na fresh siya sa kanyang uniporme. Nakasandal siya sa kanyang sasakyan nang makita ko siya.

Hinihingal pa ako nang makalapit sa kanya kaya natawa siya. Halata bang excited akong makita siya?

"Excited much?" tukso niya sa akin.

Ngumuso ako. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin upang mas makita pa akong mabuti. I catch my breath before turning my gaze to him.

"Bakit ka kasi tumakbo?"

"Tss... Mala-late na'ko!" angal ko tsaka ko tinulak ang kanyang noo. Humalakhak lang siya sa akin.

"You missed me that much, huh?"

"Assuming ka masyado," bulong ko.

Umusog ako para buksan ang kanyang sasakyan pero sinara niya lang 'yon ulit.

Asar na tingin ang iginawad ko sa kanya. Hindi yata ako makakatagal sa harap niya lalo pa't ang lapit-lapit niya at naaamoy ko ang pabango niya. Paano ba naman kasi, hindi niya binutones ang pangtaas na polo. Pakiramdam ko ang init-init na kaagad sa umagang 'to.

"You forgot something."

Nilapit niya ulit ang mukha sa akin. He pointed his right cheek. Ngumisi siya sa akin.

"My good morning kiss," utas niya.

Minsan ko na siyang ninanakawan ng halik kapag sinusundo niya ako, Hindi ko naman akalaing maaalala niya at hihingin ngayon. Mas lalo lang tuloy akong pinang-initan ng pisnge.

"Faster, I'm waiting," pag-uutos niya.

Itinapat niya ang kanyang pisnge sa akin at hinintay na dumampi ang labi ko ro'n. Oh I'm going crazy.

Marahan kong dinampi ang aking pisnge at sinunod ang gusto niya. Kung 'yon ang magpapasaya sa kanya, 'di sige. Dali-dali ko siyang hinalikan sa pisnge bago nagmadaling pumasok sa sasakyan dahil sa kahihiyan.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon