Kabanata 39

5 0 0
                                    

Kabanata 39

Happy pill

Monday, sinundo ako ni Dannsen nang maaga pa papuntang school. Tahimik lang ako sa sasakyan dahil inaantok pa 'ko. Ganoon din siya.

Marahan ang takbo ng sasakyan, at nag-iba ang tinatahak naming daan. Nangunot ang noo ko dahil hindi naman 'to ang daan papunta sa school. Magtatanong sana ako ngunit tumigil kami sa harap ng isang bake shop.

'Sweetie' ang pangalan ng bakeshop. Open na rin 'yon.

"Sandali lang ako."

Bumaba si Dannsen ng sasakyan at pumasok sa shop. Hindi ko alam kung anong gagawin niya roon. Pero naalala ko, it's Jace's birthday! Bibili siya ng cake para kay Jace? Natawa ako. Na-imagine kong paano niya i-surprise si Jace habang hawak ang cake.

Ang cute siguro no'n.

Nang makita ko siyang lumabas mula sa shop habang hawak ang isang maliit na cake at may nakasindi ring isang kandila roon. Nangunot ang noo ko. Bakit sinindihan agad? Malulusaw pa 'yon bago kami makarating.

Pumasok siya, nakangiti sa akin. Nagtataka ko lang siyang tinitigan hanggang sa makaupo. Bumaling siya sa akin habang hawak 'yon.

"Congrats, Miss Editor-in-Chief."

Natutop ko ang aking bibig. He knows! Hindi ko pa 'yon nasasabi sa kanya o kanino man dahil ngayon pa ang formal na pagpapakilala sa amin. Nalaman ko 'yon nang tawagan ako ng adviser namin sa journalism na nakapasok ako at ako na raw ang bagong Editor-in-Chief.

"Pa'no mo nalaman?"

Sigurado akong na-post na 'yon sa facebook page ng school. Kaya siguro nalaman na niya.

"It doesn't matter. Blow the candle," utos niya.

Ngumiti ako sa kanya, ganoon din siya. Nilapit na niya ang cake sa akin para mahipan ko. Nang makalapit at nangingiti kong hinipan 'yon.

"Thank you," sabi ko.

"You're always welcome."

Umusog siya ng konti. Lumapit ang mukha niya, pero parang natigilan. Napaupo siya ng tuwid bago inabot nalang sa akin ang chocolate cake, tsaka bumaling na sa daan.

"Pwede kong kainin?" tanong ko.

"Yes," tango niya sa akin.

"Walang tinidor?" demand ko.

Tinignan niya ako nang nangungunot ang noo.

"Wait."

Bumaba siya ng sasakyan at patakbong bumalik sa loob ng 'Sweetie'. Nang makabalik siya ay may dala siyang plastic fork.

"Here," sabi niya sabay abot ng tinidor.

"Isa lang?"

Nangunot na naman ang noo niya.

"Subuan mo ako."

Napa-Ahhh ako sa kanya. Nagpapasubo pala. Umandar na ang sasakyan, tahimik akong kumukuhit sa cake. Ang sarap no'n, parang mauubos ko bago pa kami makarating sa school.

"Ahhh..."

Inabot ko sa kanyang bibig ang cake, sinubo niya naman 'yon. Nakabaling pa rin siya sa daan at ako'y kumakain lang.

"Ang sarap!" parang bata kong sabi. Bumaling naman ang tingin niya sa akin. Matagal na titig 'yon. Tapos bumaba ang tingin niya sa labi ko banda. Mas mauna yata akong malulusaw kaysa sa cake.

"Masarap," bulong niya bago umiwas.

Napang-initan ako ng pisngi. Ang tinutukoy ko ay ang cake, pero bat nakatingin sa labi ko? Huminga ako ng malalim para palisin ang iniisip. Umagang-umaga, ah.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon