Kabanata 51-2

2 0 0
                                    


Kabanata 51-2

Must be reality

Tahimik na dumating ang lunes. Hindi ko alam kung paano namin natiis ang isa't isa. Hindi ko alam kung paano siya ia-approach dahil sa nangyari. It's still fresh for me.

I was advice by Tita that I should take rest first. Kapag parehong malamig na ang mga ulo ay tsaka na kami mag-usap na dalawa. She also told me that she made him check by his Dostor at lumalala nga ang pagiging bipolar niya. Naaapektuhan ang attitude niya dahil sa bukol sa artery.

Tuloy-tuloy naman ang treatment sa kanya pero parang walang nangyayari.

Each day is getting worst. Alam kong handa ako pero sa mga susunod na araw at biglang may bumulaga sa akin, Hindi ko na alam kung makakapag-react pa ba ako, Hindi ko alam kung handang-handa nga ba talaga ako.

I was heading to faculty with articles in my hand. Nakita ko si Lucas na papalapit sa aking kinaroonan habang naglalakad kasama ang Ana; ang Vice President niya.

Abala yata siya pag-discuss ng kung ano roon. I stopped to greet him but his grim eyes glanced at me once.

"Lucas-"I almost whisper when he passed by without looking at me.

Naibaba ko ang palad kong kakaway sana sa kanya pero parang hindi naman niya ako nakita. He's keeping his distance for his friend and all I can do is accept it. I shouldn't make it worst for the both of them, I should consider them.

Bumuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Halos araw-araw nalang na parang hindi niya ako nakikita. Parang wala ako sa paligid kung makaasta siya kahit na minsan ay nagkakasama kami sa isang silid. He must be keeping his words.

***

"Hi..."

Binati ko ang mga halaman sa hardin ko. Nasa bakuran ako ng mga Lao para bisitahin ang mga halaman doon. Wala si Titan ang makarating ako at wala rin si Dannsen sa salas nang makarating ako. Hindi naman niya alam na pumunta ako sa rito.

I want to talk to him. Gusto kong maayos kami. I can't stand not talking to him kahit na minsan siyang nagte-text ng 'Good morning' or 'Good night' sa akin. It almost ends of the year and sa December ay isnag taon na kami. Gusto kong ma-celebrate namin 'yon ng masaya at walang alitan. Mas mabuting magparaya nalang kesa lumaki pa ang tampuhan namin.

"Kamusta kayo?" tanong ko sa mga bulaklak.

Na-miss ko sila, eh. Halos lumago na rin ang ibang mga halaman doon.

"Siguro alagang-alaga kayo ng Papa niyo, ano?" nakangiti kong sabi nang mahawakan ang Chrysanthemum.

Tuwang-tuwa ko silang diniligan dahil ang gandang tignan na lumalaki na sila. Kung sa mga magulang pa ay proud na proud sila sa pagpapalaki ng maayos sa mga anak nila. Well, they're my babies, kami ni Dannsen ang mga magulang nila.

"Who would take care with their children if their Mama is not around? Then, their Papa will take responsibilities, right?"

Napapitlag ako nang makita si Dannsen na nakahalukipkip habang matamang nakatingin sa akin. He's standing behind the wood arc. His gentle and soft expression made me tremble a bit. I miss him so much.

"Hey..."

Lumapit siya. His jaw clenched while composing his smile. Napangiti ako at umiling.

"Hindi mo ba ako kakamustahin?" sabi niya.

Ibinaba ko ang hose na hawak tsaka pinatuyo ang kamay gamit ang paldang suot. Nilapitan ko rin siya na nailing.

"Sorry," he whispered seriously.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon