Kabanata 46

3 0 0
                                    

Kabanata 46

Sick

Damang-dama ko pa rin ang panginginig ng aking katawan simula nang masundo ako nila Andrei at Casper sa ice cream parlor kung saan kami galing ni Dannsen bago pa siya masugod sa hospital.

Si Casper ang nag-asikaso at nagtawag ng Doctor na agad na titingin kay Dannsen. Nasa Hospital kami nila Casper. Ibang doctor ang naka-assign sa hospital nila dahil nasa Manila pareho ang mga magulang niyang mga doctor din.

Hindi ako magkanda-ugaga sa kinauupuan ko. Napapatayo ako minsan at nagpapalakad-lakad. Naghihintay kami sa labas ng kwarto para masalubong ang doctor na tumingin sa kanya. Pati si Tita Charity ay kanina pa nakayuko habang nakaupo sa bench. Parehong nakasalikop ang mga daliri habang nakatungo.

Panay ang titig ko sa pinto na nag-aabang sa doctor. Kinakabahan ako lalo. Hindi ko na magawang kumalma dahil sa nangyari. Bumagsak siya sa harap ko at nakita ko pa ang sakit na ininda niya nang mapatayo siya. Hindi kaya na-overfatigue na naman siya? Masama sa kanyang napapagod.

Naitakip ko ang aking mukha ng dalawang palad dahil sa frustration. Kumakalabog ang puso ko pero wala akong magawa para kumalma. Ang tanging gusto ko lang ay isang magandang mensahe mula sa Doctor, makakahinga na ako ng malalim no'n.

Naramdaman ko ang paghagod ng isang palad sa aking likod. Tiningala ko si Lucas na nakasandal sa pader sa gilid lang ng kinauupuan ko. His worried face showed up. Mas lalo lang din akong nag-alala.

Napapitlag ako nang marinig ang pagbukas-sara ng pinto. Agad dumapo ang tingin naming lahat sa doctor tsaka bigla akong tumayo kasabay ni Tita Cha.

"How's my son, Doc?" si Tita.

"He's now stable."

Nang marinig ko 'yon ay napabuga ako ng hangin. Parang hindi ako huminga ng ilang oras kanina. Mas gumaan na ang pakiramdam ko.

"But he needs more test. Mrs. Lao? Can I talk to you in my office?" agap ng doctor.

Napapahakbang ako palapit upang makisali sana. Magtanong nang kung anong nangyari talaga kay Dannsen. Gusto ko ring sumama sa pag-uusapan nila sa opisina ng doctor.

"Yes, Doc."

Tumango ang doctor at iginiya ang daan kay Tita. Gusto kong humabol at makiusap na sumama pero nakatalikod na si Tita at hinigit ako ni Lucas sa palapulsuhan upang pigilan.

"Ela..."

Naririnig ko ang mumunting bulungan nila Andrei sa sulok. May pinag-uusapang ayaw iparinig manlang sa akin.

"Umuwi ka na muna," untag ni Lucas.

Nakakapagod tignan ang mata niyang walang buhay. Hindi na naman ako sanay sa kanyang seryosong titig at walang kangiti-ngiti. Kung sabagay, walang nakakatawa sa oras na'to.

"Ihahatid kita-"

"Ayaw kong umuwi. Hihintayin kong magising si Dannsen," mariin kong sabi.

Binawi ko ang palapulsuhan at bumaling sa pinto ng kwarto ni Dannsen. Ililipat siya bukas sa isang pribadong kwarto para mas makapahinga pa. Kahit na narinig kong ayos na siya, hindi pa rin mapakali ang puso ko, ang lakas pa rin ng tibok.

"El, kailangan mong umuwi. Magpahinga ka na muna at maaga pa ang pasok bukas. Ihahatid kita para-"

Nilingon ko si Lucas at seryosong tinitigan. Wala akong lakas na makipagtalo ngayon, sana maintindihan niya ang titig ko. A small fire burned between our eyes.

"Sige, ako nalang ang uuwi sa inyo at ipagpapaalam kita. Ano...kukunan nalang kita ng mga damit mo pamalit," sabi niya sa mababang boses.

Nilingon ko ulit siya. Malambot na ngayon ang titig niya sa akin. Tumango lang ako sa kanya.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon