Kabanata 38

3 0 0
                                    

Kabanata 38

Forever exist

Summer ended really fast. Tingin ko ay kulang pa ang dalawang buwan na bakasyon sa aming mga mag-aaral. Pero ang iba naman ay excited sa balik eskwela.

Biyernes ng unang lingo sa eskwela, mahinahon lang ang awra ng mga estudyante. Isang lingo palang ng pagbalik eskwela ay hindi pa naman sila natataranta sa mga gawain. Pero hindi katulad sa amin na senior year, na pinaghahanda kami sa magiging defense namin sa finals.

It's a typical kind of graduating student; you'll be afraid at first because you might not graduate or be that kind of person who work harder and graduate.

Sino ba naman ang ayaw gumraduate, 'di ba?

Tinanaw ko ang buong paligid nang lumabas ako ng silid. Nagtatawanan ang iba, they seem enjoying the first week of this school year. Ako? Hindi ko alam. I enjoy my life now and then, mas masaya nga lang ngayon dahil sa mga taong nakapaligid sa akin.

"Hey."

Tinignan ko si Dannsen na palapit sa akin. He didn't smile pero maliwanag ang mukha.

Ever since na umuwi sila noong birthday ko, parang mas naging sweet at clingy siya sa akin. Gusto niya magkasama kami lagi na dalawa at ayaw niyang nawawala ako sa paningin niya. Gusto ko 'yon pero nakakapagtaka lang minsan dahil sobra.

"Hi."

Ngumiti ako sa kanya bago niya ako tuluyang malapitan.

"What are you doing here, alone?"

Hinigit niya ako para maupo sa bench na katabi lang ng room namin.

Normal lang ang mood niya, iba na rin ang kulay ng neck tie namin.

"Wala, gusto ko lang lumabas saglit."

Nasa paligid lang ang tingin ko kahit nararamdaman ko ang paninitig niya sa akin. Nawiwili siyang ganoon ang ginagawa sa akin kapag malapit kami sa isa't isa. Parating nakatitig.

"Are you okay inside? Ginugulo ka ni Phoebe?"

Nalingon ko siya nang banggitin ang pangalan ni Phoebe.

Normal naman kaming pareho sa loob ng silid. Hindi nga lang nag-iimikan kapag nagkakatitigan na kami. I smiled at her once, pero wala akong natanggap pabalik. Naiintindihan ko naman. Hindi naman madali para sa kanya ang mga nangyari. May pinanggagalingan naman ang galit niya.

"No, we're good."

"Really?"

Tumango ako.

"That's good, then."

Sinikap kong hindi ipakita kay Phoebe ang mga ginagawa ko kapag kasama si Dannsen para hindi siya masaktan pa. Naging mabait naman siya sa akin noon at nagpapasalamat akong nagsagutan lang kami at hindi na humantong sa gantihan.

I know she's kind, nasaktan lang siguro talaga siya.

"You heard about Lucas presidential debate earlier?" kaswal niyang sabi. Tinitigan ko siya tsaka tumango.

Kinuha ni Lucas ang alok para tumakbo sa posisyon ng president sa SSG. Isang araw niya lang 'yon na napag-isipan pero kalaunan ay pumayag siya. It's not bad for him, I'm happy indeed. May pagkakaabalahan siya. At alam kong mahahandle niya ng mabuti ang responsibilities.

Bukod sa basketball, kapag manalo siya laban sa kabilang partido, alam kong magiging maganda ang takbo ng mga activities at pamumuno niya. Nasisiguro kong maha-handle niya ang lahat na task na ibabato sa kanya. Tsaka nandito naman kami na tutulong sa kanya.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon