Kabanata 37

5 0 0
                                    

Kabanata 37

Surprise!

"Happy Birthday, Eleonora Valentina!" pambungad sa akin ni Andrei.

"Bes! Happy birthday!"

Naabutan namin si Andrei, Casper at Ace sa entrance ng hotel. They greeted me endlessly and cheered me up.

"'Wag ka ngang sumimangot d'yan!" asik ni Andrei sa akin tsaka humiwalay na.

"Sorry na kaagad, huh?" lumambot ang ekspresyon ng mukha niya tsaka ngumisi.

"Bakit naman?"

Umiling- iling siya. "Kasi sobrang ganda ko," natatawa niyang sabi.

Nangiti naman ako tsaka umiling sa kanya.

"Happy birthday, El!" si Casper.

Masigla siyang humakbang patungo sa amin ni Andrei pero pinigilan lang siya ng nobya.

"Help them! Wala ka pang naitulong mula kanina," utas ni Andrei dito.

"Pero ako ang nagbantay-" Pinangdilatan siya ni Andrei.

"Okay."

Lumapit na si Casper kela Lucas at Vein. Nagtulong-tulong sila sa pagbaba ng aming mga dala. Si Lola ay sumabay na rin sa kanila sa pagpasok. I sighed at the of the hotel. The front facade says its hotel name, "La Elegancia" designed perfectly in gold steel.

"Bes, happy birthday!" yumakap si Ace sa akin.

"Salamat!"

"Pinaghandaan mo naman masyado 'tong araw na 'to. Ang ganda mo!"

Sumimangot ako.

"Hindi nga eh," malungkot kong sabi.

Ngumuso lang sa akin si Ace.

"Huwag ka ngang malungkot, pa pangit ka naman n'yan!" alo niya sa akin.

Parang ang sigla niya yata ngayon. Namumula ang cheek bone niya. Blooming yata 'tong kaibigan ko!

Hinawakan nila ako ni Andrei sa magkabilang braso nang biglang may sumulpot na lalaki sa harap namin. Si Sebastian.

Napakunot ang noo ko nang lumapit siya sa amin. Ngumiti siya sa akin tsaka at binati ako. Hindi ko naalalang inimbita ko siya. Besides, he's not our schoolmate anymore. Nakakapagtaka naman na intouch pa rin siya sa ganitong okasyon, o baka may nang-imbita sa kanya?

Lalapitan sana ako kaso pinagbawalan.

"Bawal ng hawakan 'yan," malamig na sambit ni Lucas.

Ngumisi si Vein ng nakakaloko habang tanaw si Sebastian. Hindi na natuloy ang paglapit sa akin kaya naman kay Ace siya tumabi tsaka may binulong na mas lalong pinagtaka ko.

Anong meron sa dalawang 'to?

Nang humiwalay siya kay Ace ay tsaka tumango lang sa kanya si Ace.

"Seb, paki tulungan na sila para mabilis," si Andrei. Sumunod naman si Sebastian sa hiling ni Andrei.

"Ano 'yon, Ace?" taka kong baling kay Ace. Ngumisi lang siya tsaka namula ng kaunti.

"Ilapag niyo 'yan sa table ha, nagpadag-dag na ako ng table ro'n. May fee na rin 'yang mga tray!" utos ni Andrei.

"Yes, ma'am!" asar ni Vein. Inirapan naman siya ni Andrei bago lumakad.

"Sabi na nga ba, eh, kakasama 'yan ni Ela sa nobya mo. Dalawang pares na ng mata ang umiirap sa akin."

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon