Kabanata 08

10 2 0
                                    



Kabanata 08

"Ako na ang maghahatid sa kanya..."

Nakatitig ito sa akin habang hawak pa rin ang braso ko.

"Dannsen..." mahinang sambit ko sa pangalan niya.

Inalis niya naman ang kanyang kamay na nakahawak sa aking braso.

"Bro..." Lumapit sa amin si Lucas at tinangon kung anong problema.

"I'll take her home," he said as cold as an ice.

Napa-awang naman ang aking labi dahil sa narinig.

Tama ba iyong narinig ko? Inaalok niya akong sumabay sa kanya pauwi?

Hindi pa rin niya inalis ang kanyang titig sa akin kahit na kinakausap siya ni Lucas.

"Uh... Kasi ihahatid ako ni Lucas sa sakayan ng jeep," ani ko.

Tiningnan naman ako ni Lucas. Mukhang nadismaya ito. Bakit ba sabay pa silang nag- alok na ihatid ako?

"Sa akin kana sumabay..." malamig niyang sambit. Hindi na niya hinintay kung may sasabihin pa ba si Lucas, nagsimula siyang maglakad.

Hindi niya manlang hinintay kung payag ba ako na sa kanya sumabay pauwi.

Huminto siya sa gitna ng paglalakad nang napansing hindi pa ako sumusunod sa kanya. Binigyan niya lamang ako ng 'What are you waiting for' look.

"Sige na... Sa kanya ka nalang sumabay para maihatid ka niya sa inyo. Kesa sa jeep, para panatag akong nakauwi ka ng safe." Ningitian niya ako tsaka hinawakan ng marahan ang aking ulo.

Nagpaalam nalang ako kay Lucas at sinabing babawi nalang ako next time. Pumayag naman siya at sinabi niyang mag online ako mamaya.

Bumaling na ako sa daanan tsaka sinalubong ang masmang tingin ni Dannsen.

Hinabol ko naman siya nang magpatuloy siya sa paglalakad sa gitna ng hallway.

Nakita ko ang isang Ford na SUV, nakatayo malapit doon ang isang lalaking nakaputi. Binati niya si Dannsen at dali-daling pinagbuksan ng pinto. Hindi siya sumakay. Tinitigan niya ako at hinintay akong makapasok sa sasakyan bago siya sumakay at maupo sa tabi ko.

This is my first time to ride on his car.

Tahimik lamang akong nakatitig sa mga tanawin sa labas. Kabisado ko na ang daan dahil sa araw araw na pagba-byahe papasok ng eskwela.

"Let's meet tomorrow at school." Basag niya sa katahimikan.

Nagtaka naman ako kung bakit. Nakita niyang kumunot ang aking noo.

"Script, remember?"

Muntik ko nang makalimutan, next week na pala iyon. Tumango naman ako bilang tugon. Mabuti at wala akong gagawin bukas.

"Natapos ko na iyon kahapon, ikaw nagawa mo ang iyo?"

He stared at me like I'm the most interesting... thing.

Can I melt right now? In this particular spot where I'm sitting next to him? Can I?

Tumango siya sa akin.

"Bakit mo nga pala ako binuhat pababa-" Bigla akong natigilan. I realize that I'm being garrulous.

Hindi ko iyon pinagpatuloy at itinikom ang aking bibig.

Pasimple ko siyang tinignan upang makita ang reaksyon. Nakakunot ang noo habang nagtatakang nakamasid sa akin.

Oh Ela, you should be quiet. Nandito ka sa sasakyan niya, kaya tumahimik ka.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon