Kabanata 52

4 0 0
                                    

Kabanata 52

Booth

"Palagyan nalang ng ribbon ito, please," sabi ni Mary nang abutin niya sa akin ang red ribbon.

Maaga kaming pumunta sa school para mag-ayos ng booths namin. We also borrowed hand cuffs for our jail booth to be realistic. Mabuti at nag-allow silang gumamit kami noon para sa mga makukulong.

We had a great time preparing our booth as well as other year levels with their own unique booths. The school premise illuminated with red colors; red balloons, red ribbons, red fabrics and other color that represents love.

"Guys! Faster! Mag-i-eight na!" utos ni Mary na siyang props director namin.

Kanina ko pa hinahanap si Ace at Andrei na hindi ko manlang mahagilap kung saan. Magkakasama lang kami kanina pero biglang nawala at hindi na nakabalik.

I smiled at the memories that had passed a month ago. Halos gabi-gabi kaming nakikisaya sa sigla ng Kalibo. Lasing na lasing sila pwera sa amin ni Dannsen.

Masaya ako sa bawat araw na lumilipas dahil hindi nagiging mabigat ang mga pinapasan. Kahit si Dannsen ay hindi na ganoon nagpapakita ng kalalang sintomas. Nagiging masigla na rin siya hindi katulad noong mga nagdaang buwan.

Nakakuha na rin ako ng online exam sa isang University sa Manila na siyang nirekomenda ni Tita Ena. Tatangi sana ako dahil malayo ako kela Lola. Ngunit naisip ko ang oportunidad na makapag-aral sa mas kilalang Unibersidad upang sa pag-graduate ko. At sayang din ang scholarship kapag nakapasa ako sa exam nila.

Dannsen already knew about the school that I applied to, he didn't bother to say no. Suportado pa nga niya ako roon. Basta kung saan ko raw gusto ay doon siya. I took the admission test and I'm still waiting for the result. Nakakuha na rin si Andrei ng exam sa isang eskwelahan sa Iloilo na siyang pinapasukan din ng kanyang pinsan.

The rest are undecided yet. Mahirap nga talaga ang mag-college, maraming inaasikasong papeles. Mabuti sa akin ay may nag-asikaso naman upang hindi na ako mahirapan. Sana lang ay makapasa ako.

The rest, as graduating, we take moments of truth through exams and oral reports. It may be hard but we're still here, breathing.

Sa lahat ng naging busy na araw, ang Valentine's Day na natapat sa school days. The president of supreme student government decided to celebrate it. Pangpalubag loob na rin sa aming mga ga-graduate. May booth ang every grade levels. May food bizarre at iilang ni-rent na candy cranes na nasa loob ng court.

Nag-allow sila na magpapasok ng outsider pero limited lang per person na kakilala.

"Marami raw ang pupunta base kay Vice," sabi noong isa.

"Oh?"

"Bakit? Excited sila sa celebration natin? Buti nga pinayagan na may outsiders, eh. Galing talaga ni Pres."

"Eh, kung 'yong pupuntahan lang naman talaga ng iba rito ay 'yong mga girlfriend nila."

"Kung sabagay! Lalo na sa Gabriel! Mga matitinik College students doon! Nangtitira ng grade seven!"

Nakinig lang ako sa kanila habang nag-aayos ng record book para sa mga magla-log in na nakulong. They must pay their bill to get out or spend their hours inside with hand cuffs. Sa bawat lugar may mga nilagay kaming mga rules at kapag nilabag nila 'yon ay may kapalit na parusa.

"Bilis na raw!"

"Marami ng napila sa marriage booth, oh! Look!" Sabay naming tinanaw ang bonggang booth ng Marriage booth. May dalawa silang tent na pinag-effortan pa sa decorations. Ang isa ay para sa bride and fitting area bago pumasok sa isang tent na ginawa nilang mukhang civil wedding type.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon