Kabanata 11

15 0 0
                                    

Kabanata 11

Bulaklak

Balisang- balisa pa rin ako hanggang ngayon. Nagtataka sa sinabi ni Dannsen sa akin noong nasa clinic kami.

Hindi ko maintindihan kung bakit niya iyon sinabi sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa kami nagkikitang muli dahil pagkatapos noong sinabi niya ay saktong dumating ang mga kaibigan niya. May kasama silang lalaki na namukhaan ko naman agad. 'Yong driver niya.

Iniuwi siya nito kaya iyon ang huling pag-uusap namin. Walang rason, walang eksplenasyon ang nasabi niya sa akin.

Nakapagtataka...Bakit niya iyon sinabi sa akin? Ano ang ibig sabihin ng mga iyon?

Please do remember me...

Huling araw na ng intramurals at hindi magkanda-ugaga ang mga estudyante ng Montessori.

May huling laro pa ngayon sila sa basketball at iyon ay laban sa pinaghalong grade ten at grade nine na team. Championship iyon at mamayang hapon naman iyon gaganapin.

Hindi sumipot si Dannsen sa eskwelahan ngayon dahil kailangan niya munang mag-pahinga ayon sa doctor.

Napabuntong hininga ako. Nakaupo ako sa isa sa mga bench, may hawak na notebook at ballpen. Nakamasid sa paligid kung paano ang kilos ng mga kabataang pinapanuod ko habang naglalaro.

Naisulat ko din kung paano ang pagkapanalo ng team namin sa basketball sa unang laro, kahit na ganoon ang nangyari kay Dannsen ay nanalo pa rin sila na ang lamang ay isang punto lang. Magandang laro iyon kaya hindi ko pinalagpas na gawan ng article.

Nakamasid lamang ako sa paligid. Kapag may naisip na konsepto ay isinusulat ko sa dalang papel. Pwede iyong isali sa article na maii-feature sa semester na ito.

Yumuko at malalim na nag-iisip ng mga sinusulat.

Napaangat ako ng tingin nang may naramdamang presensys.

Naabutan ko ang isang lalaking nakaangat ang cellphone na nakatutok sa akin. Tila'y kinukuhaan ako ng litrato. Kumunot ang aking noo ditto, hindi ba niya alam na nahuli ko siya?

Pagbaba niya ng cellphone ay ngumisi ito ng malaki sa akin. Natawa nalang tuloy ako sa ginawa niya.

"Lucas..." sambit ko.

Nakangiti itong pumaroon sa aking pwesto at tumabi sa akin.

"Pakibura," salubong ko ng tingin sa kanya. Natawa naman siya sa akin.

"Ang assuming naman," tukso nito sabay tawa.

"Baliw!" Hinampas ko siya ng mahina sa braso at natawa nalang sa kanya.

Sa mga panahong hind mo magawang ngumiti ay nandyan talag siya para magpasaya ng tao. Napakaespesyal ng mga ngiting ibinibigay niya sa lahat. Tila wala itong problema.

Nagiging mas close kami sa isa't isa at malaya akong nakakapagkwento ng mga bagay- bagay sa kanya, ganoon din siya sa akin.

Naalala ko ang kalagayn ni Dannsen kaya napatnong ako sa kanya.

"Kamusta na si Dannsen?"

Napatitig ito sa akin, nawala ang ngiti sa mukha at napalitan ng lungkot at pag-aalinlangan.

"Ayon kay Tita ay bumuti na ang kalagayan niya noong iniuwi siya sa kanila," sagot niya. Tita? Pertaining to his Mom?

"Ano ba talagang nangyari sa kanya?" kuryosong tanong ko. Hindi pwedeng walang dahilan iyong pinakita niyang sakit.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon