Kabanata 05

17 1 0
                                    

Kabanata 05

My time

"Akin na nga 'yan!"

Nakita ko kaagad si Ace na nakikipag-agaawan ng kung ano sa kaklaseng lalaki. It's a polaroid. Nailing ako sa ingay na ginagawa nila. Umagang-umaga, eh nag-iingay na siya.

Napatingin naman ako kay Lucas nang kawayan niya ako. He greeted me with his bright smile. Ginantihan ko siya ng ngiti tsaka naupo sa aking silya. Hindi na ako nagtangkang suwayin si Ace sa ingay na ginagawa sa halip ay kinuha nalang ang paboritong libro na inulit kong basahin ngayon.

"Sa akin nga lang si Casper! Mga mang-aagaw kayo!" Ace bawled.

Patuloy siyang nakikipag-away sa mga kaklaseng babae. They even fantasize Casper's group as if Lucas is not there.

"Pareho lang naman tayong nangangarap eh," sabi ng isang kaklase naming babae.

"Nawalan na nga ako ng pag-asa no'ng nalaman kong si Andrilyn ang girlfriend niya. Remember niyo 'yong last year?"

"Ahh oo. Pero hanga ako, ha, nakayanan niya."

Nilingon ko sila. Patuloy pa rin silang nag-uusap. They also said that they're thankful to have those guys here in scholl, may inspirasyon daw silang matatawag.

I tried to focus in the story am I reading. Even if I already know the story of Augustus and Hazel, I'm still inlove with this novel. Also how faith crossed their ways to meet each other. Sa tingin ko'y isa 'to sa mga nakakahangang love story.

"Sa tingin niyo? May nagugustuhang babae kaya si Dannsen ngayon? My God! Crush na crush ko talaga siya!"

Natigilan ako sa pagbabasa nang marinig 'yon.

"I think wala pa. Didn't hear na may nililigawan o pinopormahan siya, eh."

"Mabuti nga 'yon."

Nagsitilian pa sila ro'n. Napatingin ako sa nagsalita na nakangiti at tila may nagaganap sa kanyang imahinasyon. Mas kumunot ang aking noo.

Hindi talaga mapagkakailang marami ang humahanga sa kanila dahil bukod tanging pinagpala sila ng magagandang mukha at mararangyang pamumuhay. Kahit sino naman magkakagusto sa isa sa kanila.

Bumalik ang tingin ko sa libro. Imbes na magbasa ulit ay nawala ang diwa ko. Lumilipad ang samut-saring mukha ni Dannsen sa aking isipan. Lalo na'yong nakangiti siya. I find it cute at the same time dangerouskind of smile...everyone may fall.

Napahinto ako sa iniisip nang maramdamang nag-vibrate ang aking cellphone. Kinuha ko 'yon sa bulsa ng palda at tinignan kung sinong nagpadala ng mensahe. Hindi naka-save ang numerong nag-text kaya nagtaka ako.

093028*****

Hindi sa'yo bagay ang nakasimangot, smile naman d'yan. :)

Nagsalubong ang aking kilay sa nabasang mensahe. Bakit alam niya kung ano ang ginagawa ko o ekspresyon? Nagpalinga-linga ako sa aking mga kaklase. Abalang nagku-kwentuhan ang iba, ang iba ay may mga sariling mundo. Napadako ang tingin ko kay Lucas na nakangisi sa akin.

Natatawa siyang tinitigna ang aking ekspresyon. Nagkasalubong ang aking mga kilay kaya mas lalo siyang napangiti sa'kin. Tinaas niya ang kanyang cellphone na hawak tila pinapahiwatig na siya nga ang nag-text sa'kin.

Nagtipa ako ng tugon ko sa kanya.

Ako:

Saan mo nakuha ang numero ko?

Nilingon ko si Lucas at saktong nakita kong nakadungaw siya sa kanyang cellphone. Napaangat siya ng tingin sa dako ko tsaka ngumiti at umiling. Napanguso ako sa tugon niya.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon