Kabanata 26

11 0 0
                                    

Kabanata 26

Christmas

He may not be the one that puts the presents under the Christmas tree, but he's Santa Claus and I still believe in him. Spirits was filled that works through us every time we give something freely, from our hearts without expectations, without thinking of what would you get in return.

Every single day, single moment we spread joy, love and also hope to everyone. It's the true meaning of the birth of our Jesus Christ.

Nakatayo ako sa gilid ng aming Christmas tree, hindi iyon kalakihan ngunit marami iyong mga regalo. Pinuno ko iyon ng mga regalo para sa mga kaibigan, kela Lola at Lolo.

It's Christmas! Ang bilis lang lumipas ng mga araw at ngayon ay pasko na.

Parang kailan lang noong nagkakilala kami, pero heto kaming dalawa'y magkakaroon ng kwentong hinahangad kong mangyari.

I woke up earlier with a smile on my face. Hindi ako makapaniwalang boyfriend ko na si Dannsen.Though hindi pa alam nila Lola at Lolo.

Nagtaka nga si Lola nang magising ako kanina ng napakasigla.Napakalamig ng simoy ng hangin sa umagang iyon, nagsimba kami upang magpasalamat para sa lahat.

"Ako na po!" alok kokay Lola nang makita ko siyang nagpapalit ng hapin sa lamesa.

Nagluto kami ng mga pagkain. Selebrasyon at pasasalamat namin taon-taong naging tradisyon na.

Nalaman kong may balak na bumisita sila Andrei rito kaya naghanda talaga si Lola para sa kanila.

"Apo, sinagot mo na ba iyong chinito?"

Napalingon ako kay Lolo nang sumingit iyon sa aking ginagawa. May hawak-hawak siyang mga kahoy na kakasibak lamang, panggatong.

"Sino nga ulit iyon?"

Nagkasalubong ang kanyang kilay sa pag-aalala ng pangalan ni Dannsen. Kinabahan ako.

"Dannsen po, Lo," sabi ko.

Hinawi ko ang tela upang mailapag na iyon sa lamesa. Hindi ko sinagot ang isang tanong ni Lolo.

"Ah! Oo!" may binulong-bulong pa siya pagkatapos.

Nagkibit balikat lamang ito.

Napapangiti ako minsan kapag naaalala ko si Dannsen at iyong ngisi niya nang um-oo ako. Nakakalaki pala ng puso kapag napapasa mo ang isang tao. I really can be someone's happiness.

Napatitig ako sa lamesa kung nasaan ang mga litrato nina Mama at Papa. Nilapitan ko iyon ng nakangiti.

"Merry Christmas, Ma at Pa..."

Tinanggalan ko ng alikabok ang frame.

Ma, Pa, parang kailan lang ay naghahangad lang akong mag-karoon ng isang prinsipeng magmamahal sa akin...

Ngunit heto ako masayang nakita ko na iyon. Parang kailan lang noong iniisip ko pa ang istorya ninyong dalawa, kung paano niyo nakilala ang isa't isa at nagkaroon ng isang magandang istorya.
Sana ay kung gaano kaganda ang sa inyo ay ganoon din ang sa akin.

I smiled.

Napatigil ako nang bumungad ang malakas na tunog. Kinapa ko kaagad ang aking bulsa para kunin ang cellphone.

"Hello?" sagot ko.

"Merry Christmas."

Malaking kurba ang humugis sa aking labi. Pero late na siyang nag-greet sa akin. Pagkagising ko kanina ay tinext ko kaagad siya ngunit walang reply iyon. Ngayon palang siya tumawag sa araw na ito.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon