Kabanata 34

6 0 0
                                    

Kabanata 34

Bye

Nangingiti ako habang tinitignan ang litrato ko habang suot-suot ang ilang medalya na natanggap noong recognition day. Tuwang-tuwa rin syempre sila Lola nang umakyat sila sa intablado upang maisabit ang mga medalya sa akin.

It feels great to repay the hard work of people who support you all through out your failure and success. Kahit na may isang taon pa ako sa high school bago mag-college.

We celebrated our success with our love ones of course. Isang buwan naman simula noong nakalipas ang magarang debut ni Andrei. Para iyong isang ball. Akala mo'y isang napakagarang prinsesa ang nag-birthday. Nagulat pa nga ako nang may iilang artista ang dumalo.

Mga kasosyo sa negosyo, mga kamag-anak at iilang ka-klase na inimbita ni Andrei ay naroon. It's a great long night for Andrei I'm sure, kahit na medyo na late si Casper at si Vein ang naging escort sa opening. Maraming naging ganap, basta ang masasabi ko lang ay masaya 'yon.

Nasa bahay lang ako ngayong bakasyon. Inaayos ko ang mga litratong nakunan sa aming recognition day. May iilan kaming litrato nila Lola at Lolo. Solo ko at ang iilan naman ay kasama si Dannsen o 'di kaya sila Andrei.

Inisa-isa ko ang paglalagay ng mga litrato sa photobook at nang mapuno 'yon ng litrato ay inilagay ko sa may ilalim ng lamesa kung saan may maliit na espasyo doon para sa mga photo book at magazines.

Iniwan ko ang sala at tumungo sa likod ng bahay upang makita ang lumalaking mga halaman.

Noong isang araw ay tinulungan ako ni Lolo na gawan ng plot ang maliit na espasyo ng lupa sa likod ng bahay upang masalin ang iilang halaman na nasa paso.

Nadiligan ko na sila kanina pagka-gising ko palang para hindi ko na makaligtaan dahil siguradong magiging abala na naman ako sa pag-aayos ng mga kagamitan sa bahay. Nasa taniman na naman si Lolo at alam kong umaani na naman 'yon ng gulay para sa aming ulam mamaya.

Lumalaki na ang aking mga itinanim na rosas. Para akong batang tuwang-tuwa habang pinagmamasdan ang pagdami ng mga halaman sa bakuran.

"Kamusta kayo? Lumalaki na kayo, ah..."

Inayos ko iyong mas malaking paso ng bougainvilla. Lumalaki na rin kaya ang mga sanga-sanga ay humahaba at natatama sa ibang halaman. Kulay pink 'yon kaya ang cute tignan.

"Bilisan niyo na sa paglaki, ang gaganda ninyo," utas ko.

Lumuhod na ako upang ayusin ang pagkakahilera ng mga bulaklak.

"Crazy girl," a familiar voice whispered.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko ang nakapamulsang si Dannsen.

Naningkit ang aking mata nang makita siyang nakatayo habang nangingiting pinagmamasdan ang aking ginagawa.

"Pati mga halaman kinakausap mo."

Tumayo ako sa pagkakaluhod. Pinagpagpag ang lupang dumikit sa aking damit.

"Bakit ka nandito?"

"Am I not allowed?" he winced.

Lumapit ako sa kanya.

"Your hands are dirty."

Inangat ko ang aking palad na may bahid ng lupa. Ipinakita ko 'yon sa kanya kaya nailing siya.

Inilabas niya ang kanyang kamay sa bulsa kasama ang panyo. Kinuha niya ang aking kamay at pinunasan ang dumi roon.

Tinitigan ko lamang siya habang ginagawa 'yon sa aking palad. Para akong bata na nililinisan dahil sa paglalaro sa lupa at siya naman ang tatay ko na nagalit sa duming natamo. Napangisi ako sa aking naisip.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon