Kabanata 50

5 0 0
                                    

Kabanata 50

Escape

Malamig na hangin ang sumalubong sa akin ng umagang iyon. Dala-dala ang isang malaking backpack ay lumabas ako mula sa salas namin. Ngayon ang alis namin patungong Iloilo at maaga ang usapan naming aalis para makarating ng maaga.

Naka-jacket na ako ngunit tagos pa rin ang malamig na simoy ng hangin. 'Ber months na at papalapit na rin ang pasko. Mag-iisang taon na rin pala kami.

Tiningala ko ang langit na nagsisimula ng lumiwanag. Nakahalukipkip akong nakatingin sa kawalan habang naghihintay ng himala na dumating. Isang haplos sa aking balikat ang nagpalingon sa akin.

Nakangiti si Lola sa akin habang puyos-puyos ang balabal sa kanyang balikat.

"Malamig dito, apo. Bakit hindi ka sa loob muna maghintay?" anyaya ni Lola.

"Ayos lang po, La. Ang sarap damhin ng hangin kapag umaga," sabi ko sabay pikit nang humaplos sa pisngi ko ang malamig na hangin.

"Apo..." yakap galing sa likod ni Lola.

Hinawakan ko ang nakapulupot nitong kamay sa akin. Giving me heat in motherly way.

"Hindi pa ba pumayag si Dannsen?" sabay kaming huminga.

"Alam kong mahirap ito para sa iyo, apo. Kung sana ay magawan kaagad ng paraan na gumaling na si Dannsen..." Humalik siya sa aking buhok.

"Gagaling naman po talaga siya, La. Magtiwala lang po tayo," sabi ko.

"Basta ay pakatatag ka lang, apo, ha? Alam kong ginagabayan ka ng mga magulang mong malagpasan ito. Malalagpasan niyo ito."

Suminghap ako. Ngumiti sa maliit na buwang ngayon ay nagtatago na sa ulap.

"Kakayanin po namin. Ano pa't nand'yan kayo 'di ba? Gagabayan niyo kami sa lahat kaya alam naming hindi lang kami ang lumalaban. Alam ko ring nakatanaw sina Mama at Papa, ginagabayan tayong lahat," maaliwalas kong sabi.

"Basta huwag mo lang siyang susukuan dahil alam kong hindi rin kayo susukuan ng diyos at mga taong nagmamahal sa inyo."

Hinalikan ako ni Lola sa pisngi bago ako pinakawalan. Ngiti ang iginawad namin sa isa't isa at tinanaw ang labas ng bahay. Hinintay namin ang susundo sa akin sa umagang iyon.

Ilang minuto pa bago mag-alasinco ay may humintong isang puting Van sa labas ng bahay. Bumaba doon si Dannsen na naka-black jacket habang ang mga kamay ay nakatago sa bulsa nito. He just smiled.

Diretso siya sa pagpasok sa gate namin nang may malaking ngiti sa labi. Nagmano muna siya kay Lola bilang paggalang bago bumaling sa akin.

Hindi na kami nakapag-usap pagkatapos noon. Naging abala ako at dahil na rin sa natakot din kasi ako na baka mas magalit pa siya lalo. Nirespeto ko ang sinabi niya at naguilty ako sa mga nasabi kong masamang pakinggan.

"I'm sorry," sabay naming sambit.

Nangilid ang luha ko pero mas nanguna ang ngiti sa aking labi.

"Sorry..." niyakap niya ako.

We're both sorry. We're both in fault. Dapat ay hindi kami nagpapadala sa galit. At hindi ko rin naman hahayaang umalis kami at magbakasyon ng may tampuhan. Hindi ko mai-enjoy 'to ng kasama siya kung may distansya sa aming dalawa.

"I'm really sorry. I didn't mean-"

"Shhh...Okay na. Kalimutan mo na 'yon, ayos na tayo, okay?" sabi ko sabay haplos sa malamig niyang pisngi.

Malakas na naman na hangin ang dumaan kaya nalipad ang kanyang buhok. Nagulo 'yon pero hindi nabago ang kahanga-hanga niyang hitsura.

I smiled and adored him more. Napakurot tuloy ako sa ilong niya na siyang ininda naman niya.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon