Kabanata 51

4 0 0
                                    


Kabanata 51

Reality

"Masyado kang excited, ha? Akala mo naman makakapasok ka ro'n!" asik kay Vein ng magnobyo.

Nang makarating kami ng San Joaquin kung nasaan ang Garin Farm ay nagsitakbuhan sila mula sa Van papunta sa isang golf cart. Pumwesto silang mga kalalakihan sa isa at kami naman ay isa pa. Sila Tita, Lucas at Jace naman ang sa isa.

Umandar na 'yon. Sabi ni Tita ay maigi ng mag-reserve kami ng energy dahil malayo-layo pa ang lalakarin namin pagdating sa taas.

There's a foul smell (as expected) because of different animals in the farms. Tanaw namin ang iilang pwedeng pasyalan mamaya. Inuna lang muna namin ang pilgrimage dahil mainit na kapag tanghali pa kami umakyat.

A pilgrimage of sorts where we walk up the stairs to the Cross on the hill, it's like visiting replications of Jesus' life. The all white replicas are literally breathtaking. Akala mo talagang nasa langit ka. The way they set up the stations for tourist to catch their breath and be amaze by the high light part of this all white heavenly scenery.

Nang makababa ay umakyat pa kaming muli para maabot ang pinakataas. Sa bawat station na nadaraan namin ay may mga statues at replicas. Marami ngang turista ang naiiengganyong puntahan itong Pilgrimage Hill because it notion what heaven looks like.

Pawisan kaming napahinto sa entrance nang may bumungad na sign, A Journey from Creation to Ascension. Tumuloy-tuloy ang daloy ng tao, ang iba ay kumuha pa ng litrato. Panay din ang kuha ko ng litrato habang si Dannsen ay nasa tabi ko lang at miminsang inaangat ang kanyang camera. Mahabang lakaran ang nagawa namin.

Si Andrei ay nasa unahan namin habang kasabay si Lucas at Casper sa paglalakad. Si Sebastian, Ace at Tita naman ang magkasama na nalilingon pa sa amin para kunan kaming litrato. Si Vein ay nangchi-chicks lang.

We are all advised to wear sunglasses and hats for protection from the sunlight. Siguro'y ang silay nito pagnaroon na kami.

Nang makapasok na kami sa isang tunnel ay nagbulungan ang lahat. It's dark at ang ilaw na makikita ay nasa dulong parte pa. A hand was wrapped around my waist as if I will be lost in the dark tunnel. Ningitian ko lang si Dannsen at nagpatuloy na sa paglalakad.

Hindi naman nagtagal ang aming paglalakad doon nang makalabas kami ro'n at sumalubong ang nakakasilaw na liwanag.

"Nasa langit na ba talaga ako?" sabi ni Vein na malayang pinagparte ang braso para damhim talaga ang presensya ng lugar. Batok ang inabot niya kay Andrei.

"Kapag totoo man 'to, hindi ka tatanggapin. Evils don't go to heaven," untag ni Andrei sabay irap.

"Eh 'di sabay na tayo sa impyerno?" At batok muli ang natanggap ni Vein.

"Aray ha! Witch ka nga, eh! Ayaw mo pang tanggapin," si Vein.

"Aba! 'Wag ka nga-"

"Guys! Tama na nga kayo, pinagtitinginan na kayo, oh," saway ni Lucas sa kanila.

"As if, gwapo kasi ako..." Vein murmured.

Marami ngang turista ang naki-selfie sa mga replica's. Kahit silaw na silaw na ay panay pa rin kami ro'n.

Kumuha na ng litrato sila Ace sa mga replicang naroon. Nakakasilaw nga talaga ang paligid dahil nasa tuktok kami. Tiningala ko ang langit kahit na nasisilaw ako, itinaas ang kanang kamay upang abutin ang ulap ngunit malayo pa pala iyon sa akin. Parang ang lapit lang, pero ang layo-layo pa pala talaga.

Nang mapadpad ang aking paningin sa isang puting rebulto ng mga anghel ay nakita ko ang anghel kong may hawak na kamera na nakatutok sa akin. Ngumiti ako sa kanya upang makunan niya ako ng magandang litrato.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon