Kabanata 14

7 1 0
                                    

Kabanata 14

Mystery

Mabilis na lumipas ang araw, hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang nangyari noong nakaraang mga araw. Hindi ko alam kung ano ang madadama dahil sa halik na iyon ni Dannsen. Pagkatapos noong araw ay hindi kami nagkausap o nagka-text manlang. Gusto ko sanang itanong kung para saan iyong halik ngunit naunahan ako ng hiya, baka kung ano pa ang sabihin niya.

Uminit ang aking pisngi nang maalala ang labi niyang dumampi sa aking pisngi. Umiling na lamang ako sa aking naisip.

Magnanakaw.

Nobyembre uno ngayon at naghahanda kami para sa pagdalaw kela Mama at Papa. Bitbit ko iyong mga bulaklak na ilalagay sa kanilang puntod habang naglalakad papunta kung saan sila nakalibing.

Nang makarating kami doon ay inilapag ko ang dalang bulaklak sa kanilang lapida.

I am here again, Ma...Pa.

Inilatag ni Lola ang dalang hapin upang makaupo kami sa lupa, inalalayan ko naman silang dalawa ni Lolo na makaupo roon. Nagsindi ng dalawang kandila. Hinawi ko ang iilang dahong nagkalat sa kanilang lapida, inayos ko ang pagkakalagay ng mga bulaklak.

It's been five years Ma, Pa. Wala sana akong dinadalaw na puntod ngayon dito ngunit hindi, eh, nandito kayo at dinadalaw ko.

Napasinghap ako. Naalala ko noong kinuwento sa akin ni Lola kung ano ang nangyari sa kanila. Iyong aksidente ng madaling araw, tsaka ang natanggap niyang tawag mula sa kung sino na naaksidente raw sila mama.

It was a car accident, maulan, madulas ang daan at dapat ay uuwi na sila noon sa bahay ngunit sa daan ay may mga hadlang sa kanilang pag-uwi upang makita ako.

Si Mama ay dead on arrival at si Papa ay humihinga pa pagdating sa ospital ngunit binawian din ng buhay. Siguro ay nag-usap sila na walang iwanan, na hanggang sa kabilang buhay ay mananatili silang dalawang magkasama.

Matapos naman ng libing nila ay ilang araw lang iyon nang ma-aksidente ako, nabagok ang ulo. Nagmistulang trahedya ang naging istorya ng aking buhay.

Ayon sa kanila ay may hinahabol akong papel na lumipad patungo sa labas ng bahay at hindi ko raw namalayan na may paparating na truck.

Grabe ang pag-alala sa akin noon nila Lola dahil wala akong maalala pagkatapos noon. Umiiyak siya habang nagku-kwento ng kung ano tungkol sa pagkatao ko at nag-babaka sakaling maalala ko iyon ngunit hindi. Bukod sa nangyari sa akin at kela Mama ay wala na akong ibang alam.

Hinawakan ko ng marahan ang nakaukit na pangalan ni Mama. Erlinda L. Fulgencio. I haven't remember her face, iyong nasa litrato lang. Iilang ala-ala lang ang alam ko na kasama ko siya at base iyon sa mga ikinukwento lamang ni Lola.

Hindi ko mapiligan ang aking luha, mabilis na pinahid ko iyon gamit ang mga daliri.

Kung bakit wala na sila ay wala din akong maalala. Sana manlang ay may nababalikan akong masasayang ala-ala kasama sila.

Ang mga ikinukwento lang sa akin ni Lola ay ang alam niyang mga kwento tungkol sa aking mga magulang. Hindi iyon kompleto, oo, pero kahit papaano ay may panghahawakan ako. Na kahit paano ay may ala-ala akong babalikan.

Isa. Dalawa? O Tatlong ala-ala ay sapat na dahil naramdaman ko iyon habang ikinukwento sa akin ni Lola ang nakaraan na.

Ganoon din ang ginawa ko sa pangalan ni Papa. Marahan kong inilapag ang aking kamay sa ibabaw ng lapida niya.

Valentino G. Fulgencio.

Natutuwa ako kapag naalala ang kwento ni Lola tungkol kay Papa. Tuwing araw daw kasi ng mga puso ay dalawa ang sine- celebrate nila dahil iyon din ang kaarawan niya. Natutuwa raw ito kapag may natatanggap siyang regalong bulaklak dahil para raw siyang binata na binigyan ng bulaklak ng crush niya.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon