Kabanata 07

20 2 0
                                    

Kabanata 07

Strange

"La, andito na po ako..." bati ko.

Dumiretso muna ako sa kwarto upang magbihis at magpahinga saglit. Mga ilang minuto ay bumaba ako nang tawagin ni Lola upang maghapunan.

"Matagal na pala sila rito ng anak niya,"dinig ko na sabi ni Lolo.

Binati ko siya at tsaka nagmano.

"Sino po, Lo?" tanong ko.

Nagkatinginan naman ang matatanda.

"Ah... Iyong kapit bahay natin apo," sagot naman ni Lola.

Hindi niya ako tinignan ng diretso sa halip ay umiwas ito sa akin.

"Tara na, kumain na tayo."

Naupo na ako. Nagkuwentuhan lang silang dalawa sa hapag tungkol sa sakahan.

Mabilis naman akong natapos. Nagpaalam na ako sa kanila na aakyat sa aking kwarto upang mag-aral.

Nag-advance reading lamang ako dahil wala namang ibinigay na homework o kung ano sa amin.

Busy na kasi ang mga guro dahil sa palapit na Intramurals na gaganapin next week.

Naalala ko 'yong script, hindi pa pala tapos iyon.

Kinuha ko ang aking papel at nagsimulang magsulat ng kung ano man ang maisipang maganda para sa script.

Tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko iyon at binasa ang natanggap na mensahe.

Lucas Pogi:

Ano ang ginagawa ng maganda kong classmate?

Bahagya akong natawa sa mensahe niyang iyon. Pati na rin ang pangalan niya sa aking contacts.

"Baliw..." utas ko.

Ako:

Heto gumagawa ng script. :)

Mabilis naman akong nakatanggap ng reply mula kay Lucas.

Lucas Pogi:

Ganoon ba... Nakaka-istorbo ba ako sa 'yo?

Naiimagine ko ang mukha niya habang binabasa ang mensaheng iyon. Kung nakikita ko lamang siya ngayon ay siguradong nakanguso iyon. Napangisi ako tsaka umiling.

Ako:

Oo, Hahaha...

Ako:

Joke lang.

Lucas Pogi:

•_•

Gusto mo tulungan kita?

Kahit kailan talaga ay matulungin itong si Lucas. Marami na siyang naitulong sa akin, kahit hindi ko naman hinihingi ang kanyang tulong ay palagi siyang nag-aalok. Ginagawa niya lahat para lang makatulong sa kapwa.

Napangiti ako habang nag-tatype ng aking reply sa kanya.

Ako:

Huwag na, baka may ginagawa ka rin d'yan. Kaunti nalang naman at tapos na ito, pero salamat.

Lucas Pogi:

Sigurado ka? Wala naman akong ginagawa, nakahiga na nga ako, eh. Hahaha

Napapangiti nalang ako sa palitan namin ng mensahe.

Lucas Pogi:

Kulitin pa kita?

Lucas Pogi:

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon