Kabanata 12

10 1 0
                                    

Kabanata 12

You're so unfair

Ilang araw na ang lumilipas at mas lalo kaming nagiging close sa isa't isa. Hindi lang sa kanya pati na rin sa buong barkada. Minsan ay nagsasabay sa tanghalian. Kung hindi naman ay minsa'y magkakasama kaming gumagala kapag weekends.

Nakakatuwa silang kasama dahil pareho silang mga baliw bukod lang sa isa. Si Dannsen lang yata ang hindi nakikisakay sa mga trip nila. Hindi pa rin nagbabago ang pagiging masungit niya.

Noong nanggaling kami kela Casper ay hinatid niya ako pauwi. Hindi kami nagkibuan no'n habang nasa sasakyan at naramdaman niya naman siguro na medyo hindi ko nagustuhan ang pagsisi niya kay Lucas sa nangyari sa akin kaya nang makababa ako ay nag-sorry naman siya sa inasta niya.

Dannsen is sometimes playful or weird but most of the time, mysterious.

Nalaman ko naman no'n kay Ace na humabol siya kela Casper nang malamang nandoon kami, imbes na magpahinga sa kanila. Ewan ko ba doon, minsan ay ang hirap niya talagang unawain.

Minsan kapag magkasama kami ay nakakapag- usap kami kahit papaano. Ngunit matipid lang ang nagiging sagot nito. Minsan ay ramdam ko ang pagdistansya niya sa akin sa hindi malamang dahilan, pero kahit naman ako ay hindi pa masyadong komportable kapag nasa malapit lang siya. Iba kasi ang aking nararamdam kapag siya na ang kaharap.

Nagiging mas malapit na rin ako kay Andrei, marami na akong nalalaman sa buhay niya at nagku-kwento din ako sa kanya ng sa akin. Nakakatuwa at may mga bago akong kaibigan na nalalapitan.

Madaldal ito katulad ni Phoebe ngunit hindi sila masyadong nagkikibuan. Mahilig ito sa mga mapormang damit, sunod sa uso kumbaga at mahilig din itong mag make- up. Kung sabagay ay bagay naman ito sa kanya, maganda siya.

"Wag kang malikot!"

Isang araw habang nilalagyan ni Andrei ng lipstick si Phoebe. Nagkakasundo naman sila minsan sa mga ganitong bagay. Minsan ay isinasama nila ako kapag may bibilhing bagong damit o kaya'y bagong mailalagay sa mukha. Ayos lamang iyon dahil masaya naman silang kasama.

Pinipilit rin nila ako na maglagay kahit kaunting kulay sa aking labi ngunit parati akong tumatanggi.

Iba ang araw ngayon. Dahil tapos na ang exam para sa second quarter ay narito kami nakatambay sa canteen.

"Hawakan mong mabuti!" sabi ni Andrei kay Phoebe na siyang pinipigilan ako sa pag-galaw.

Gusto nila akong lagyan ng make- up kahit ngayon lang daw. Umayaw man ako ngunit heto sila pinipigilan ako at ginagawa ang gusto nila.

Hindi nangingielam ang limang lalaki sa ginagawa nila Andrei sa akin bagkos ay pinagtatawanan pa nila kami dahil mukha daw kaming mga baliw.

"Bes! Tulungan mo naman ako," paghingi ko ng saklolo kay Ace.

Imbis na pakawalan ay hinawakan pa niya ako sa kabilang braso. Nagsitawanan sila. Hindi ko na sila malabanan dahil hawak- hawak na nila ako. Si Andrei ay abala sa paglagay ng kung ano sa pisngi ko.

Isang tube ang binuksan niya tsaka pinisil iyon. May lumabas na likidong kulay lupa. Kinuha niya ang brush at sinawsaw iyon bago ipinahid sa mukha ko. Umiiwas ako ngunit hinawakan na rin nila pati pisngi ko upang pumirmi.

"Pikit ka," sabi ni Andrei sa akin.

Sinunod ko na lamang siya. Hindi na ako nagreklamo pa, hinayaan ko na siya sa kung ano ang ginagawa sa mukha ko. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala akong takas sa tatlong 'to.

Nang lumuwag naman ang hawak nila nang hindi na ako pumapalag.

"Ela, ngiti ka."

Hawak niya ang isang mapusyaw na kulay ng lipstick. Dahan- dahan niya namang ipinahid iyon sa aking labi. Inayos niya ang mga lagpas. Maya- maya'y tumigil siya at pinagmasdan niya ako. Napangiti ito sa akin.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon