Kabanata 17

4 0 0
                                    

Kabanata 17

Childhood

Maybe I was dreaming when I saw him smile... Noon ay pinapangarap ko lang na magpakita ito ng ngiti, ngayon ay kusa na niyang naibibigay sa mga taong nakapaligid sa kanya.

I wonder how he could change his aura from hot intensely burning to a jolly and talkative Dannsen. And he has this ability to make me feel the unknown. He's always like that...

Natapos ang aming exam kaya hindi na kami masyadong abala sa araw na ito. Breezy afternoon reminds me that Christmas is coming. Sigurado akong marami ang excited sa gaganaping Christmas Party ng Montessori bago ang break.

"Look what you did!" sigaw ni Jace habang nangiwi sa inis kay Vein. Kanina niya pa kasi kinakalikot ang phone nito. Nakatanaw naman ako sa kanilang dalawa.

"You should be texting her when you have spare time!" Vein to Jace. Masama na ang tinging ipinukol niya kay Vein, namumula na rin ito dahil sa inis.

"Don't wait for her to missed you first dude!" natatawang pangaral ni Vein.

Tila expert na expert ito sa pag-bibigay ng advice. Kung sabagay ay marami na siyang naging girlfriend o flings.

Natawa ako sa sagutan ng dalawa. Nagtataka lang ako kung bakit hindi ko kilala ang sinasabi nilang babae. At tsaka napansin kong kanina pa problemadong-problemado si Jace na kaharap ang cellphone. Siguro ay kausap niya iyong babae.

"Oww... Hindi nga pala siya interesado!" sabay tawa ulit ni Vein.

"Oh dude! Get the balls! Common!" hamon ni Vein.

"This is bullshit!" asik ni Jace.

Biglang may tumakip sa tainga ko. Tumingala ako kung sino iyon, si Lucas lang pala.

"'Wag kang makinig sa dalawang 'yan," sabi niya tsaka ako hinarap sa kanya habang naupo sa damo.

Nakatambay lang kami dito sa may field, nagpapahangin. Wala namang nag-klase buong hapon kaya rito na muna kami nagpalipas ng oras. Mas masarap kasi ang sariwang hangin sa labas kesa sa aircon sa silid. Umalis muna saglit sila Andrei at Casper, wala rin sila Ace at Phoebe na hindi ko alam kung saan nagpunta.

Umupo sa tabi ko si Lucas habang sinasaway pa rin ang dalawa.

"Kapag tungkol sa babae talaga ang dami niyong alam!" untag ni Lucas sa mga ito.

"Ang duwag niya kasi masyado, I think he doesn't have the balls!" Natatawa na si Vein dahil sa galit na ang ekspresyon ng mukha ni Jace. Tila ba'y uusok na ang ilong nito sa galit.

Biglang tumayo si Vein nang dumapo na ang matatalim na titig ni Jace sa kanya. Bigla na lamang siyang tumakbo at hinabol naman ito ni Jace. Batid kong inis na inis na iyon sa kaniyang kaibigan.

Pinagmasdan ko sila hanggang nakarating na sila sa gitna ng field habang nag-hahabulan.

"Ang kukulit talaga ninyo ano?" ako kay Lucas.

Nilingon niya naman ako tsaka sumagot, "Ewan ko nga kung bakit naging kaibigan ko ang mga iyan."

Napangiti ako. Napansin ko naman na nag-iba ang kaniyang hairstyle. Mas maaliwalas ito tingnan kumpara sa dati. Nanatili ang titig ko sa kanya at tsaka ko lang binawi iyon nang magsalita siya.

"Baka matunaw naman ako niyan," panunukso niya sa akin.

"Ang assuming mo masyado," wika ko.

Tinapik ko ang braso niya tsaka siya tumawa. Humalakhak ako sa tabi niya.

"Bagay ang haircut mo sa'yo," puri ko.

Bahagya naman itong yumuko habang nakangiti. Napahawak siya sa kaniyang batok na parang nahihiya sa aking sinabi.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon