Kabanata 48

2 0 0
                                    


Kabanata 48

Hopelessly wishing

"Kailangan daw nang bata na magpa-opera."

Bumagal ang pagbaba ko nang marinig ang boses ni Lola.

"Oh, eh, bakit hindi pa gawin iyon? Malakas naman ang bata, ah," sabi ni Lolo.

"Ayaw nga. Nakakatakot nga naman talaga 'yon. Hindi rin natin alam kung ano ang kalalabasan ng operasyon."

Napako ang mga paa ko sa aking kinatatayuan. Bihis na bihis ako dahil aalis kami ni Dannsen. Pero nawala sa isip ko ang pagmamadali sa pagbaba dahil sa narinig. Alam ko kung ano ang pinag-uusapan nila.

"Pero malaki naman daw ang tsansang maging successful iyon, pero may side effects-"

Nahinto na si Lola nang nakita ang paghakbang ko papalapit sa kanila.

"Oh, apo, may lakad ka?" si Lolo.

Ngumiti ako tsaka inayos ang puting bestidang suot. Hanggang tuhod ko iyon tsaka may lace ang manggas.

"Susunduin po ako ni Dannsen, Lo," sagot ko.

Mapait ang ngiti sa akin ni Lola nang tignan ko siya. Si Lolo naman ay tumango lang sa akin. Ngayon ko lang ulit naabutan si Lolo na nandito sa bahay. Wala sigurong abala sa sakahan ngayon. Mabuti at naisipang manatili na muna rito sa bahay. Mas lalo lang kasing nagiging halata ang mga kulubot marahil dahilan ng pagtanda.

"Mabuti at magpasyal-pasyal muna kayo. Parati ka na ring babad sa article na ginagawa mo, apo, mabuti't makapagpahinga ka naman ngayon," nakangiting sabi ni Lola.

"Oo nga po. Kailangan po kasi naming habulin ang deadline ng article, pero ayos lang naman po ako roon, gusto ko pong nagsusulat," pangpalubag loob ko.

"Kung ganoon naman pala, eh. Pero huwag masyadong magpagod sa aralin, kailangan mo ring mag-enjoy sa buhay, kailangan ka rin ng nobyo mo."

Napatango si Lolo sa sinabi ni Lola kaya napagaya ako. Alam ko naman 'yon. Nababalanse ko naman ang oras ko sa lahat. Nag-eenjoy naman ako sa ginagawa ko at nand'yan lang naman palagi si Dannsen sa tabi ko kaya hindi ako nahihirapang mag-adjust kung ano ang uunahin sa lahat.

Minsan kasi ay nakiki-seat in si Dannsen sa klase namin kapag vacant niya. Kapag naman pareho kaming walang klase ay nasa garden ang tambayan namin sa school at nakikitulong din siya sa pag-gawa ko ng article. Nagiging magaan ang mga ginagawa ko dahil tinutulungan niya ako. Nand'yan siya parati kaya nasasanay na akong hindi kami mapag-hiwalay. Hinahanap siya palagi ng sistema ko.

"Pero huwag niyo naman kaming biglain na magpapakasal na kayo, ha," seryosong sambit ni Lolo.

Hinampas ito ni Lola. "Ano ka ba, Edmundo!"

"Aba! Totoo naman iyon, ah!"

" Hindi mo alam kung ano ang takbo ng isip nitong mga bata," pag-aakusa ni Lolo.

Napailing ako sa sinabi ni Lolo.

"Hindi pa naman po kami magpapakasal. Mag-aaral pa po kami, makakapagtapos. Ipapagawa ko pa po kayo ng bahay," I assured.

They both smiled at me. "Marami pa po akong gustong gawin na kasama kayo," sabi ko sa mababang tinig.

"Aysus, apo! Hindi naman na kailangan ng bagong bahay, ayos na kami rito. Ang mahalaga ay kompleto at masaya hindi ba?" nangingiyak na sambit ni Lola.

"Halika nga rito!"

Lumapit ako kay Lola nang tumayo ito sa kanyang kinauupuan. Hinawakan niya ang aking balikat at inayos ang dress na suot ko. Nakangiti siyang ginagawa 'yon sa damit ko na tila may inaalalang masaya.

Parting WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon